Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, February 27, 2009

ABS-CBN humakot sa USTv

Humakot ng 18 parangal ang ABS-CBN Broadcasting Corp. sa katatapos na 5th USTv Students Choice Awards ng University of Santo Tomas kung saan kinilala ng mahigit 40,000 na estudyante ang mga programa at mga personalidad na nagpamalas at nagtaguyod ng Christian values.

Natanggap ni Anne Curtis ang kanyang ikalawang best actress award ma­tapos ang sa MMFF nang hirangin siyang Stu­dents’ Choice of Actress in a Daily Soap Opera para sa Dyosa.

Si John Lloyd Cruz naman ang napiling Stu­dents’ Choice of Actor in a Daily Soap Opera at ang kanyang top-rating prime­time serye kasama si Bea Alonzo ang nanalong Student’s Choice of Daily Soap Opera.

Para sa Student’s Choice of Most Popular Local Music Video Performer, wagi ang Pop Princess at UST alumna na si Sarah Ge­­­ro­nimo habang ang kanyang music video na A Very Special Love ay wagi rin bilang Most Popular Local Music Video.

Personal ding tinanggap ng aktor na si Aga Muhlach ang parangal na Student’s Choice of Situational Comedy para sa kanyang programang That’s My Doc.

Ang iba pang binigyang parangal ng UST ay ang Boy and Kris para sa Students’ Choice of Most Popular Talk Variety Program; Pinoy Dream Academy Season 2 para sa Students’ Choice of Reality program; Maalaala Mo Kaya para sa Students’ Choice of Drama program; The Buzz para sa Most Popular Entertainment News program; ASAP 08 para sa Most Popular Variety program; Naruto para sa Students’ Choice of Full Animated program; and They Kiss Again para sa Students’ Choice of Foreign Soap Opera.

Pagdating sa larangan ng pamamahayag, nauwi rin ng Dos ang Students’ Choice of Female-News and Public Affairs Host na iginawad kay Bernadette Sembrano; Students’ Choice of Educational Program para sa Matanglawin, at Students’ Choice of Public Service Program para sa Salamat Dok.

Natamo naman ng Studio 23 sa ikalimang pagkakataon ang Students’ Choice of Public Affairs Talk Show program para sa Y Speak at ang Students’ Choice of Catholic Program para sa Family Rosary Crusade.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES