Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, February 10, 2009

AiAi delas Alas at Sharon, in a movie

Nakabuti ang paggi-guest ni AiAi delas Alas sa Sharon dahil napanood sila ng mga bossing ng Star Cinema at nakita na may chemistry sila ng Megastar kung kaya pagsasamahin sila sa isang movie na gagawin tungkol sa isang love triangle.

Mukha bang comedy? Siguro dahil si Wenn Deramas ang direktor at ang role ni AiAi ay isang other woman.

Pati si AiAi ay natawa nang makita ang reaksyon ng mga press na kumakausap sa kanya.

Tanong ng komedyante, “Bakit, wala ba akong karapatan na maging other woman, kahit man lamang sa pelikula?”

Malapit nang mapanood sa isang pang-umagang showbiz talk show si AiAi kasama si Ruffa Gutierrez. Magsisimula na sa Pebrero 16 ang Ruffa & Ai sa ABS-CBN.

Pero bago iyon, mapapanood din siya sa isang pre-Valentine show, Pebrero 13, na pinamagatang Ai Lab U! na doon mismo sa resto bar niya na Ai Sarap gaganapin. Hindi lamang magpapasaya si AiAi sa pamamagitan ng kanyang pagko-comedy, for the first time ay ipamamalas niya ang kanyang husay sa pagkalabit ng gitara. Makakasama ang banda niyang Knights Band.

Maliit lamang ang venue pero kung magagawa n’yong isiksik ang inyong mga sarili, gawin n’yo, sayang kung maubusan kayo ng tiket. Palaging unforgettable event ang mga shows ni Comedy Concert Queen.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES