Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, February 13, 2009

Aiai delas Alas or Sarah Geronimo?

Totoong hanggang ngayon ay patuloy pa ring kumikita sa takilya ang mga pelikulang ginawa nina Aiai delas Alas (Ang Tanging Ina N’yong Lahat) at Sarah Geronimo (A Very Special Love) pero, ang binigyan lamang ng konsiderasyon ng SM ay ang panahon ng pagpapalabas ng movie ni AiAi nung Kapaskuhan lamang at hindi na sinakop yung mga sumunod na mga araw ng bagong taon kung kaya nanalo bilang topgrossing film na ipinalabas sa lahat ng mga sinehan ng SM ang pelikula ng Pop Princess na kung saan ay katambal niya si John Lloyd Cruz.

Silang dalawa rin ang bibigyang parangal bilang top grossing stars ng SM sa isang seremonya na magaganap sa SMX .

Samantala, hinihintay pa ng lahat ang magiging pasya ng Guillermo Mendoza, kung sino kina Sarah at AiAi ang tatanghaling reyna ng takilya for 2008. Pero, marami na ang nagsasabing, it’s in the bag na for the Comedy Concert Queen. Katunayan, malapit na nitong maabutan ang kinita ng pelikulang itinuturing na may pinakamalaking kita ng Star Cinema, ang Sukob na pinagsamahan nina Kris Aquino at Claudine Barretto.

Magiging malakas na naman ang laban ni Sarah sa 2010 dahil ipalalabas na sa buwang ito ang sequel ng A Very Special Love, ang You Changed My Life na sila na naman ni John Lloyd ang bida. Mas malakas ang ibibigay na kilig ng sequel dahil magnobyo na rito ang dalawa. Bale continuation ito ng naunang pelikula at kahit teaser pa o music video ang napapanood ay kinukuha na ito para maipalabas nationwide. Will John Lloyd finally get to kiss Sarah?

Ito ang hinihintay ng marami because it will start a pattern for the singing actress. Baka next time magka­roon na siya ng love scene, swerte kung sinuman ang susunod na makapareha niya.

Kinuha naman ni Rayver Cruz ang dating trabaho ni Sarah sa orihinal na pelikula. Sa sequel ay tumaas na ang ranggo sa trabaho ni Sarah, na-promote na siya. Magsisilbi ring bahagi ng love triangle nina Lloydie at Sarah si Rayver.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 6:31 PM, Anonymous Anonymous said...

ang galing nmn idol ko tlga c ate sarah

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES