Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, February 21, 2009

Angel Locsin nag-donate ng P100,000 sa Mental Hospital

Kahapon, nagsimula na si Angel Locsin ng kanyang cooking lesson in connection sa bagong teleserye na gagawin niya sa ABS-CBN, ang remake ng Koreanovela na Only You, kung saan ay makakasama niya sina Sam at Diether Ocampo.

Angel will be playing a chef kaya it’s a must na magkaroon siya ng kaalaman sa pagluluto.

Malapit na silang magsimula ng taping and by second week of March, aalis siya with Sam and Diether patungong Korea dahil doon kukunan ang ibang mga eksena ng serye.

We learned na for this year ay dalawang teleserye ang nakatakdang gawin ni Angel. Mauuna nga itong Only You, na magsisilbing breaker since light, romantic at feel-good series ito na kakaibang-kakaiba sa Lobo at sa susunod pa niyang soap na gagawin.

The second soap will be very big at heavy na confidential pa ang ibang detalye.

By the way, last Sunday ay hindi natuloy ang launching ni Angel bilang bagong miyembro ng ASAP ’09 at instead, sa March 1 na ito matutuloy.

Magiging semi-regular (twice a month) lang siya sa ASAP ’09 dahil gustuhin man niyang maging regular ay hindi talaga kakayanin ng kanyang schedule since magsisimula na siya sa Only You.

Nakapag-taping na rin si Angel for Maalaala Mo Kaya, na i-ere naman sa Feb. 28 kung saan ay gagampanan niya ang role ng isang baliw.

Nagpunta pa si Angel sa Mental Hospital para obserbahan ang mga pasyente and even donated P100,000.

Mayroon ding tatlong bagong lalabas na TV commercial si Angel soon at abangan din ang kanyang bagong billboard ng Folded ’N Hung for this summer dahil super sexy ito.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES