Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, February 04, 2009

Anne Curtis at Derek Ramsay, may kissing scene

May kissing scene sina Anne Curtis at Derek Ramsay sa The Wedding, ang TV show nila sa ABS-CBN kasa­ma si Zanjoe Marudo. Bi­niro ang actress kundi ba nila pag-aawayan ni Ange­lica Panganiban na co-Swatch Skin endorser niya na kahalikan niya ang boyfriend nito?

“Alam niyang trabaho lang ang ginagawa namin at wala siyang dapat ipagselos sa akin. Saka, pumupunta siya (si Angelica) sa taping namin, pero wala siya noong day na kinunan ang kissing scene namin ni Derek. Maganda nga ‘pag dumarating si Angelica dahil laging may dalang food, nagpapaluto kami sa kanya,” pahayag ni Anne.

Sa June ang airing ng The Wedding, eight weeks lang itong tatakbo at breaker lang at isasabay sa buwan na marami ang ikinakasal. Para raw itong Korean novela, very funny ang mga eksena at may drama rin.

Akala rin ni Anne, kanselado na ang project na ito’t last year pa at nagulat na lang siya nang mala­mang magre-resume sila ng taping. Kasama rito si Eula Valdez na nagpasabi nang hindi makakapag-taping dahil magsisimula nang mag-taping ng All About Eve ng GMA-7.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES