Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, February 21, 2009

Anne Curtis updates

Para kay Anne Curtis, komunikasyon ang pinakamalaki nilang problema ni Sam Milby kaya tila nagkakaroon na naman sila ng gusot ngayon.

Recently kasi ay nagpunta si Anne sa Hong Kong to spend Valentine’s Day with friends.

Timing naman na habang wala siya ay pinag-uusapan dito sa Pilipinas ang balitang may iba na siyang boyfriend dahil nakita siyang nakikipaghalikan sa isang guy sa isang bar sa Makati before she left.

Nakunan ng reaksyon si Sam tungkol dito at ang sabi niya, “it’s none of my business.”

Nagbitiw din si Sam ng mga salitang “why will I wait for someone who has already moved on?”

Nang makausap namin si Anne sa kanyang birthday presscon last Thursday, itinanggi niyang may bago na siyang boyfriend at lalong hindi raw totoo na nakita siyang may kahalikan.

Ni hindi raw niya alam kung sino ’yung guy na natsitsismis sa kanya although aminado siya na nagpupunta siya sa nasabing bar.

“Usually, ang kasama ko, ’yung mga kasama ko sa Hong Kong. Du’n siguro nagti-trigger, pero hindi talaga totoo.

“Meron din naman akong pangalan na pinangalagaan, so, ba’t ko gagawin ’yon?” sabi ni Anne.

Natawa ang young actress nang tanungin namin kung ano ang masasabi niya sa naging reaksyon ni Sam na parang galit.

“Alam n’yo, ’yun nga siguro ang problem sa amin ni Sam, hindi talaga kami nag-uusap, so, ’pag may nag-i-interview sa kanya, ‘sinabi ni Anne, ganito ganyan.’
“So, siyempre, siya, sasagot ng akala niya, tapos ’pag may nag-interview sa akin, ‘sinabi ni Sam, ganyan.’ Siyempre ako naman, ‘sinabi niya ’yon?’

“So, I think talaga, ang dapat mangyari is for me to shut up about Sam, tapos si Sam din, tumahimik na lang also para hindi kami magkagulo. Kami na lang dalawa ang mag-usap. Kasi nagiging ‘sinabi niya, sinabi ko,’ ‘he said she said’,” pahayag ni Anne.

Sa ngayon daw kasi ay hindi pa sila nagkikita ni Sam mula nang umalis siya patungong Hong Kong.

Magkikita pa lang sila this Sunday sa ASAP ’09 kung saan ay bibigyan din ng birthday presentation ang young actress.

Basta ang pakiusap lang ni Anne kay Sam, sana ay iwasan na ang magbigay ng comment about her at siya rin naman ay ganun din.

By the way, Anne celebrated her 24th birthday last Feb. 17 at tahimik lang niya itong ipinagdiwang sa Tagaytay kasama ang mga kaibigan.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES