Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, February 10, 2009

Bantay Bata Special sumungkit ng Gold World Medal

Pagkatapos maghakot ng patim­palak sa Golden Dove at Star Awards, sa New York Festivals na­man nagpakitang-gilas ang ABS-CBN. Apat na medalya at apat na finalist certificates ang napanalunan ng istasyon, pinakamarami para sa isang istasyon dito sa Pilipinas.

Isang Gold World Medal for Best TV Special ang iginawad sa Bantay Bata 163’s 10th Anniversary Spe­cial, samantalang Silver World Medal naman ang nakuha ng inves­tigative report ni Korina Sanchez sa subs­tandard na gluta­thione brands.

Ang Bantay Bata 163’s 10th Anniversary Special ay isa sa mara­ming world-class na produk­syong itinaguyod ng ABS-CBN Special Projects Group (SPG), sa pamu­muno ni Chit Guerrero. Ang SPG din ang nasa likod ng mga engrandeng presentasyon tulad ng Miss Earth at Dolphy at 80.

Sa kabilang dako, hindi naman nagpahuli ang iba pang programang Kapamilya. Itinanghal ding Silver World Medalists ang Boy & Kris nina Boy Abunda at Kris Aquino para sa Talk/Interview category at Las­tikman ni Vhong Navarro para sa Action/Adventure category.

Pinuri rin ng mga hurado ang mga programang Kung Fu Kids, Wo­wo­wee, at Rated K, na tumanggap ng finalist certificates para sa kate­goryang Children’s Program, Family Program, at Magazine Format.

Ginawaran naman ng finalist certificate para sa Best News Reporter si Korina, na chief corres­pondent and news anchor ng ABS-CBN.

Ang New York Festivals Inter­national Television Program­ming and Promotion Awards ay 49 na taon nang kumikilala sa mga bukod-tanging mga likha sa pagbalita, dokyumentaryo, entertainment prog­ramming, at iba pa.

Ilang daang respetadong mga producers, director, manunulat, at iba pang media professionals ang nagsisilbing hurado dito.

Sa tagumpay na ito, mas lalong ganado ang istasyon na pag-ibayuhin pa ang paggawa ng dekalibreng programa at paglinang sa mga artista at brodkaster na magdadala ng karangalan sa bansa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES