Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, February 27, 2009

Boy at Dra. Belo nag-away dahil sa bayad ng tiket sa concert

Alam ko na ang sinimulan ng away nina Dra. Vicki Belo at Boy Abunda. Si ‘Nay Lolit Solis ang nagkuwento kahapon habang nagpi-presscon ang Sine Novela Presents Dapat Ka Bang Mahalin? ng GMA 7 na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang bida. “Nagsimula ‘yan nung may binentang ticket sa concert si Bong (Quintana - special someone ni BA) na nagdi-direk din ng concert kay Vicki. Eh nagkataon noon na nagkaka-problema si Vicki kay Vangie Kua (remember her, ang special assistant ba ni Dra. Belo na umano’y malaki ang nakuhang pera sa doktora). So mainit ang ulo ni Vicki nang tumawag si Bong, eh pang apat na beses na palang pina-follow up sa kanya ‘yung bayad sa tickets. So nung tawagan siya ni Bong, may nasabi siya. Parang sinabi niyang ‘na naman.’

“After nilang mag-usap, na-realize ngayon ni Vicki ang kagagahan niya. Alam mo naman ‘yan, parang bata,” kuwento pa sa amin ni ‘Nay Lolit kaharap si Tito Ricky Lo, Tita Crispina Belen at Ian Fariñas.

“So nung ma-realize ni Vicki, personal yun niyang dinala ang tseke kila Boy. Hindi na siya kinausap ni Boy at pinasoli ang ibinayad na tseke.”

Simula raw nun, isa-isa na ring tinatanggal ni Boy ang mga talent niya as endorser sa Belo Medical Group.

Pero kahit may silent war sila, never daw na may sinabi si Boy na against Dra. Belo na ina-attest ni Tito Ricky dahil pareho niyang kaibigan ang dalawa.

At kahit naman daw si Vicki, walang sinasabi against Boy, sabi ni ‘Nay Lolit. In fact, pakiramdam nga raw ni Dra. Belo, part ng paglaki ng Belo Medical Group si Boy dahil from the start, si Boy ang tumulong kay Dra. Belo.

Ang kaso, nasa Amerika na ngayon si Dra. Belo kaya kahit nagi-effort ang ilan nilang common friends na pag-ayusin sila, hindi agad mangyayari.

Lumaki na ang issue sa statement ni Dra. Belo sa Showbiz Central last Sunday tungkol sa famous na ngayong dialogue na: “If you want to look like Boy Abunda go to Calayan, but if you want to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual come to Belo.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 2:09 PM, Anonymous Anonymous said...

sa nababasa ko bastos pala tlga si dra.vicki...sya na pala ang hndi pa nakakabayad ng tiket eh sya pa tong mag iinarte kahit pa sbihing mainit ulo niya nong time na yon ...hindi prin excuse yon para magsalita sya ng panget sa taong pinagkautangan niya....hehehehehe! (yong tiket utang prin niya yon noh!)...sana sinabi nalang niya sya ang ppunta kay calayan para magpaayos ng mukha....dami na niya kamo pinaganda pero mukha niya at ng anak niya hndi niya kayang pagandahin....hahahaha!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES