Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, February 15, 2009

Buhay ni John Lloyd Cruz binago ni Sarah Geronimo

KAHIT ipapalabas na sa Feb. 25 angYou Changed My Life nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz under Star Cinema na sequel ng A Very Special Love, may few remaining shooting days pa raw na natitira si Direk Cathy Garcia-Molina.

Hindi rin makapagpa-presscon ang Star Cinema para sa dalawang bida dahil hirap silang kumuha ng schedule especially kay John Lloyd na nagte-taping ng I Love Betty La Fea.

Hopefully, matuloy na ang presscon ng dalawa sa Feb. 17, eight days be-fore the showing.

Sa nakakikilig na music video lang muna nagre-rely ngayon ang Star Cinema kung paano tatanggapin ng publiko ang balik-tambalan nina John Lloyd at Sarah.

At base sa feedback, mukhang madu-duplicate nito ang first hit nilang A Very Special Love.

“Nando’n pa rin ta-aga ‘yong kilig at magic ng kanilang tandem. Kitang-kita ‘yon sa screen. Ang lakas talaga ng dating nina John Lloyd at Sarah,” pahayag sa amin ng isang taga-Star Cinema.

Aminado naman si John Lloyd sa isa niyang interbyu sa The Buzz na may malaking kaugna-yan si Sarah sa pagbabago ng buhay niya nga-yon.

“Si Sarah ay revelation sa buhay ko. Revelation siya sa career ko. Naging blessed in a way ‘yong 2008 ko dahil may isang Sarah na dumating sa ‘kin, sa career ko, sa buhay ko.

“Masarap katrabaho si Sarah, eh. Marami siyang io-open sa sistema mo, sa isip mo, sa puso mo. May mga taong puwedeng magpatunay ru’n. And siguro, forever na akong maa-amuse sa isang tulad ni Sarah,” pahayag ni John Lloyd.

Sa presscon ng movie, malalaman naman natin kung ano ang magiging reaksyon ni Sarah sa pahayag na ito ni John Lloyd.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 1:27 PM, Anonymous Anonymous said...

sana magkaroon ng production number sina sarah,llyodi at rayver kasi yon lang ang palagi kong inaabangan sa asap!!tnx

 
At 1:01 PM, Anonymous angel said...

I'm so excited to watch your movie...i love you lloydi and sarah!!!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES