Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, February 19, 2009

Claudine Barretto stays in Star Magic

KINUMPIRMA ni Rikka Dylim ng Star Magic na hindi mawawala sa eksena at bakuran ng AB S-CBN si Claudine Barretto.

Mauuna nga raw nitong simulan ang isang pelikula sa Star Cinema bago harapin ang taping ng susunod niyang soap opera sa ABS-CBN.

Mukhang mas magiging active si Claudine sa limelight ngayong 2009, dahil Pebrero pa lang, highly visible na ang aktres, lalupa’t may bago itong endorsement, ang Knorr Real Sarap powdered seasoning.

Nagkaroon ito ng grand launch nu’ng Martes ng tanghali, kung saan ka-join ni Claudine na humarap sa entertainment at lifestyle writers ang mister na si Raymart Santiago at adopted daughter na si Sabina.

Si Christine Bersola-Babao ang nagsilbing emcee ng event na ginanap sa Cilantro Kitchen ng Food for Life building ng mismong Unilever compound sa United Nations Ave., Ermita, Manila.

Ang catering service ng ninang at cooking mentor niyang si Glenda Barretto ang nag-serve ng sumptuous lunch, na kinabilangan ng tinawag nilang “Claudine’s Adodo Ilonggo.”

In fairness, ang Adobo Ilonggo ng aktres ang pinakapatok sa mga putaheng sinerve. Nag-demo pa si Claudine kung paano ito lutuin gamit ang Knorr Real Sarap sa harap ng curious mediamen.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES