Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, February 16, 2009

Edu Manzano papalitan ni Luis sa PGKNB?

NAPADAAN kami sa ta-ping ni OMB Chairman Edu Manzano at kahit sabihing wala pa rin siyang pini-pirmahang kontrata, tuloy pa rin ang kanyang pagti-taping for Pilipinas Game Ka Na Ba?.

Nag-expire na raw kasi ang kontrata niya nu’ng Dec. 31 at hindi pa masya-dong naasikaso ng manager niyang si June Torrejon ang bagay na ito because she was hospitalized for quite sometime. Ngayon pa lang daw nila pinag-uusapan ang tungkol sa mga bagay-bagay concerning this.

Ang nakatutuwa, hindi nagbabago ang atmosphere sa show. Naroon pa rin ang saya at warmth sa paligid. Lagi naman daw sinasabi ni Edu na hindi lang niya show ‘yon kundi show nating lahat.

Nilinaw din ni Chairman Edu ang chikang may posibilidad na ang anak niyang Luis ang pumalit sa kanya sakaling hindi na siya mag-host ng said game show.

Say ng paboritong host ng PGKNB, hindi im-posibleng mangyari ito dahil may kapasidad at ta-lento ang kanyang anak, pero malayo pa raw ang ga-nitong mga kaganapan.

Usap-usapan pa rin ang tungkol sa pagtakbo ni Chairman Edu as senator sa 2010.

Wala pa mang pormal na anunsyo ang TV host sa tungkol dito.

In fairness, kung paki-kisama at serbisyo sa kapwa ang pag-uusapan, wala kaming puna kay Edu. Kahit ang mga staff niya sa show ay nagsasabing iba raw talaga si Chairman, maalaga at hindi raw sila naiilang lu-mapit sa TV host.

Kaya naman nananati-ling mataas ang respeto ng marami kay Edu.

Hindi naman ipinagkaila ni Chairman na may mga nag-iimbita sa kanya to run for public office. Pero sinasabi niyang sa June pa malalaman kung ano ang kanyang desisyon.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES