Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, February 23, 2009

Fans ni Sarah Geronimo insecure kay Toni Gonzaga

HINIRAM pala ng TV5 si Toni Gonzaga sa ABS-CBN para mag-host ng bagong game show na Who Wants To Be A Millionaire na ipapalit sana sa You and Me Against the World ni Gretchen Barretto. Pero hindi siya pinayagan dahil magsisimula na ulit ang Pinoy Big Brother.

Isa sa mga pangarap ni Toni ang mag-host ng isang game show na dominante ni Kris Aquino sa Dos. Nakatataba lang ng puso ni Toni dahil si Kris mismo ang nagsabi na siya lang ang puwedeng pu-malit bilang ‘reyna’ ng mga host sa Kapamilya network.

Ang next movie ni Toni sa Star Cinema ay with Luis Manzano. Pero, dahil kasama rin si Eugene Domingo na superbusy sa shows sa GMA-7 at TV5, hindi magkatugma-tugma ang sked nilang tatlo para mag-shoot. Nakatakda pang umalis si Luis after Holy Week to New York para kunan na ang movie with his mom, Vilma Santos and John Lloyd Cruz.

May tsika ring pagsasamahin silang dalawa ni Sarah Geronimo sa isang movie. Pero ang nakakatawa, ngayon pa lang ay super-react na ang fans ni Sarah na animo ay insecure na masapawan ni To-ni ang kanilang idolo. Tsika pa na may offer ang Avon kay Toni. Kaya malamang na total goodbye na siya sa Careline at Ever Bilena pagkatapos ng kontrata niya rito sa August.

Ang malaking irony, si Sarah ang kinuha para replacement ni Toni sa Careline bilang endorser.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 12:11 PM, Anonymous Anonymous said...

Hay naku, mga vain naman itong fans ni Sarah. Ano naman ang palagay nyo sa idol nyo, napakagaling at napakaganda? Pwede ba? Plastic at pa-cute, bwisit!

 
At 3:33 PM, Anonymous Anonymous said...

Hay naku, mga vain naman itong fans ni Sarah. Ano naman ang palagay nyo sa idol nyo, napakagaling at napakaganda? Pwede ba? Plastic at pa-cute, bwisit!----------->>>>>>>>Hoi nananahimik ung TAO (di tulad mo) e pinapatulan mo...e wala namang proof na may insecurity na nanagaganap ah...saka kung may plastic dito ikaw un..ULOL!!!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES