Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, February 27, 2009

Isyu ng premyo sa 'Wowowee,' iimbestigahan ng ABS-CBN

NAHAHARAP na naman sa malaking kontrobersiya ang ABS-CBN 2 at ang daily noontime show na Wowowee ni Willie Revillame.

Ito'y matapos mapabalita ang pagrereklamo ng contestant na si Nena Santos, taga-Banlat Road, QC, at winner sa Bigtime Pera o Bayong, na ang napanalunan niyang premyo na house and lot ay "repossessed," hindi brand new.

Ang siste, ilang buwan daw siyang nagpabalik-balik sa Wowowee para lang i-follow-up ang napagwagiang bahay. Bukod sa luma na, eh, may laman pa umanong gamit ng previous occupants kaya hindi agad malipatan.

Ang house and lot sa Santa Barbara Villas II sa San Mateo, Rizal, ay kaloob ng sponsor ng programa na Globe Asiatique ni Delfin Lee.

Base sa interview kay Santos ng Philippine Entertainment Portal (PEP), balak niya at ng kanyang pamilya na maghain ng kaukulang reklamo sa Department of Trade and Industry (DTI) para mapasa-kanila ang napanalunang bahay.

Dagdag pa ni Santos, "Kaya nga sabi ko, hindi naman pala totoo 'yan. Kaya ngayon, hindi na kami masyadong nanonood ng Wowowee. Dati, talagang (tutok) kami sa Wowowee."

Samantala, hiningi ng People's Tonight ang pahayag ng ABS-CBN ukol sa isyu at ito ang ipinadala ng corporate PR head nilang si Bong Osorio through text message kahapon ng hapon: "ABS-CBN together with Globe Asiatique is in the process of investigating the claims of Mrs. Nena Santos about the prize she won in Wowowee.

"We will make sure that Mrs. Santos gets the prize due her as soon as the important details are ironed out. To date, Wowowee has given out 19 houses without any problem.This is the first time we are encountering a problem like what Mrs. Santos has raised."

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 9:25 PM, Anonymous Anonymous said...

mandaraya tlga yang globe asiatique ni delfin lee.

akala cguro ng kumag makakalusot......hehehehehe

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES