Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, February 27, 2009

Jake Cuenca courts Melissa Ricks

HINDI na nakatanggi pa si Melissa Ricks nang kornerin at tanungin ng press sa presscon ng Your Song Presents Underage tungkol sa panliligaw sa kanya ni Jake Cuenca.

Aniya, totoo na nagpadala ng flowers si Jake noong Valentine's Day at nagpapadala rin ng mga pagkain lately sa kanyang condo. Pero hindi niya masabi kung panliligaw na ba 'yon.

"I asked him myself, 'bakit ka nagpadala ng flowers, hindi mo kailangang gawin 'yon.' Sabi niya, 'no, it's okay, gusto ko lang namang magpadala ng flowers.' Sabi ko, 'okay,'" pahayag ni Melissa.

After that, mga pagkain naman ang ipinadala. 'Yung iba raw, si Jake ang nagluluto at minsan naman, binibili nito. Personal daw na hinahatid ng aktor ang mga pagkain, pero iniiwan lang sa lobby. Hindi pa raw niya ito napapasok, meaning, hindi pa nakaakyat ng ligaw.

Ayaw naman daw niyang mag-assume at sabihing panliligaw na ang ginagawa nito.

"Siguro po, mas maganda kung sa kanya na lang manggaling," say pa ng young actress na gagampanan ang papel na Celina sa Underage, dating ginampanan ni Dina Bonnevie sa Regal movie.

Kung sakaling gusto raw talagang manligaw ni Jake, kailangan nitong dumaan muna sa parents niya.

"Lahat naman siguro ng manliligaw, kailangang dumaan sa parents nu'ng girl bilang respeto," she said.

Kung saka-sakali, first suitor daw niya si Jake.

Kung sakali pa rin, may pag-asa ba?

"Hindi natin masasabi, kasi depende rin sa kanya 'yan, eh, kung magpapakita siya ng maganda," aniya.

Actually, matagal na raw silang magkakilala ni Jake dahil naging love triangle sila nina Matt Evans sa Pedro Penduko, kaya friends na raw sila talaga.

"Tapos, magkasama rin kami sa ASAP every Sunday, makulit na rin siya talaga noon pa. Pero wala naman akong nakikita before sa kanya na gusto niyang manligaw," say pa ni Melissa.

Samantala, si Matt pa rin ang kapareha ni Mel sa Underage, na magsisimula na sa March 1. Kasama rin dito sina Empress Schuck at Lauren Young as her younger sisters na dati namang ginampanan nina Snooky Serna at Maricel Soriano.

Si Rafael Rosell naman ang magiging kapareha ni Empress at si AJ Perez ang kay Lauren mula sa direksyon ni Manny Palo.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

4 Comments:

At 12:21 PM, Anonymous Anonymous said...

pra palang intsik si jake kung manligaw.

dinadaan sa ulam.........hehehehehehe

 
At 10:13 AM, Anonymous Anonymous said...

subukan mo rin na ipaglaba at ipagplantsa ng mga damit pra mas maganda ang dating...........heheheheheehe

anak bakit ka nagkaganyan!

 
At 6:35 PM, Anonymous Anonymous said...

sweet nga eh!!

gogoggo jake.
don't give up.
I'm here to support.
naks!!

 
At 5:04 PM, Anonymous Anonymous said...

hay naku, napakalumang issue na ito andito padin? well,xempre 2010 na, ibig sabihin cla na. eh kc naman nakita ko sila sa moa nung ngmagic show, magksama sila. ayaw nga magpapic ng ricks na yan, well, cgro tinatamd xa peo si jake napakanice. picture dito picture dya. aun. im happy for them

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES