Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, February 18, 2009

John Lloyd Cruz vs Richard Gutierrez for Box-Office King title

Nagkaroon ng first grand presscon kahapon ang You Changed My Life, sequel ng A Very Special Love starring John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo, at feel na feel pa rin sa kapaligiran ang success ng AVSL, lalo pa nga’t tinapos ang event sa pamamagitan ng pagbibigay ng recognition sa dalawang lead stars bilang Box-Office King and Queen of 2008 ng SM Cinema.

Bukod dito, sa darating na Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, sinasabing almost sure na ang pagkakapanalo ni Sarah bilang Box-Office Queen ng 2008.

Hindi kaila sa lahat na super box-office hit ang first team-up nina Lloydie at Sarah at breaking the record ang kinita nito sa takilya na almost P200M.

Sa presscon, inamin ni Lloydie na ayaw niya sanang magkaroon ng sequel dahil may fear siya na baka hindi na ito maging ganu’n kasing-successful.

“Ang sequel, kung hindi mo malalampasan ang naabot nu’ng una, eh, dapat mapantayan n’yo. ’Yung sa amin, hindi namin alam kung saan nanggaling ang suwerte, alam n’yo ’yun, ’yung blessing ng isang team-up na walang foundation kundi isang episode ng Maalaala Mo Kaya, isang formula na matagal nang gamit, tapos ganu’n kalaki ’yung success na dinanas ng pelikula.

“So, I’m just staying hopeful and positive about it na kung hindi man malampasan, sana, maabot din namin ang naabot ng A Very Special Love or kung hindi man, you know, at the end of all these, gusto ko lang maramdaman na kung hindi man naabot ’yung gusto naming gross, at least, maganda naman ’yung pelikulang mai-u-offer namin. Du’n, wala akong talo ru’n,” say ni Lloydie.

Kinukulit din sa presscon ang dalawang bida, gayundin ang director na si Cathy Garcia-Molina, kung pinayagan na ba si Sarah na makipag-kissing scene.

May kissing scene raw, pero panoorin na lang para hindi ma-preempt.

Showing na sa Feb. 25 ang You Changed My Life at kasama rin dito sina Rayver Cruz, Rowell Santiago, Dante Rivero, Irma Adlawan at Al Tantay.

* * *

Samantala, hindi pa makapaniwala si Sarah na siya na talaga ang tatanggap ng Box-Office Queen trophy sa Guillermo Mendoza. Kami pa ang tinatanong niya kung sure na raw ba.

Say naman ni Lloydie, almost sure na si Sarah ang tatanggap nito dahil nga sa naging problema sa Ang Tanging Ina N’yong Lahat ni Ai-Ai de las Alas na nahati ang kinita sa 2008 at 2009.

Dahil dito, hiningan namin ng reaksyon si Sarah kung ano ang masasabi niya sa protesta ni Ai-Ai.

“Ako po, nirerespeto ko po si Ms. Ai-Ai. Kung anuman ’yung sa kanya, ’yung ipinaglalaban niya, nireresepto ko po,” sabi ni Sarah.

Nalulungkot ba siya sa nangyayar?

“Hindi ko po ide-deny na nagkakaroon po ako ng lungkot na may ganu’ng issue. Pero I guess, ganu’n talaga. Kumbaga, si Ms. Ai-Ai naman, may ipinaglalaban siya. Basta, nirerespeto ko na lang po lahat.”

Kung sakali bang hindi sa kanya mapunta ang award at si Ai-Ai ang manalo, okay lang sa kanya?

“Para sa akin nga po, mas karapat-dapat po si Ms. Ai-Ai na tawaging Box-Office Queen. Siyempre, napakatagal na niya sa industriya at alam naman natin ang naging success ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat. “Hindi naman sa inaano ko ’yung naging success namin. Kumbaga, respeto lang po,” say pa ng Pop Princess.

Kung sakaling siya raw talaga, sobra ang pasasalamat at inihahandog daw niya ang award sa lahat ng sumuporta sa kanya, sa movie at sa team-up nila ni Lloydie.

Anyway, kung si Sarah ay halos sure nang mananalo ng Box-Office Queen, sa Box-Office King naman, ayon kay Lloydie, hindi niya alam, dahil aminado siyang may panlaban ding pelikula si Richard Gutierrez.

“Si Richard, I think, did two movies last year, so, hindi ko lang alam kung ano. Up to now, wala pang final. Let’s see,” he said.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES