Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, February 06, 2009

Karylle ayaw nang manood sa Kapuso channel

NANG inabangan ng fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang first airing day ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, ang ex-GF naman ni Dingdong na si Karylle ay nagdya-jogging.

Kesa nga naman panoorin niya ang tamba-lan ulit ng kanyang ex-dyowa at ni Marian, nag-exercise na lang siya. Kuwento ito sa amin ni Karylle nang amin si-yang makahuntahan. At para raw tuluyan nang mawala sa kanyang isip si Dingdong, ni hindi na rin niya binubuksan ang istasyon ng GMA-7 pa-ra hindi na niya maalaala ang nakaraan nila ni Dingdong noong Kapuso pa siya.

Ginagawa talaga ni-yang busy ang sarili pa-ra malibang. Tumatanggap si Karylle ng sunud-sunod na projects sa ABS-CBN. Kahit guest co-hosting lang, tinatanggap niya.

Ani Karylle: “It helps a lot. Nakaka-move on na ako. Pero, hindi muna ako iibig ulit. Mahirap umibig pagkatapos ng isang mahabang relasyon na nauwi lang sa wala.” Pero, may communication pa rin daw sila ni Dingdong paminsan-minsan.

“Ang pinag-uusapan lang namin ay ang pagiging business partner namin sa OnStage bar. May mga kasama kaming business partner pa rin sa bar na si-lang namamahala ng negosyo.

“Hanggang phone lang kami nag-uusap. ‘Di kami nagkikita sa business meeting na-min,” ayon pa kay Karylle.

Nagagamit nang husto ng ABS-CBN ang talents ni Karylle as si-nger, dancer, host at actress. May dalawa kaagad siyang programa na pawang big role ang kanyang gagampanan.

Kasama siya sa TV version ng Maruja na kukunan sa Palawan this February kung saan partner niya si Derek Ramsay.

Ang isa pang sisimulan niyang soap ay ang Ikaw Lamang. Katrianggulo siya rito nina Jericho Rosales at Cristine Hermosa.

Sa Feb.14 ay may solo concert siya sa Lobby ng EDSA Shangri-La Plaza . Project ito ng Magic 89 FM at EDSA Shangri-La. Guest performers dito ni Karylle si Jeff Singson na lumabas na Bernardo sa Westside Story at ang sariling band niyang Rea-sons, an all-male band.

May album ding lalabas si Karylle ngayong February, ang third album niya na may titulong A Time of Letting Go, produced and released by Polyeast Emi. Kasama sa album ang personal compositions niyang Wala na Ba ang Lahat, Hulog ng Langit at Minamahal Kita.Ngayong February ay co-ver si Karylle ng bagong S Magazine na ang editor-in-chief ay si Wilson Lee Flores.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES