Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, February 16, 2009

Kian Kazemi na-hurt sa sinabi ni Cristine Reyes

Naapektuhan pala ang ex-PBB housemate na si Kian Kazemi sa hindi magandang reaksyon ni Cristine Reyes sa pagpapadala niya ng flowers at pizza pie sa young actress sa taping ng Banana Split.

Ayon sa friend ni Kian na nakausap namin, dinamdam daw ng ex-housemate ang mga sinabi ni Cristine sa kanyang ginawa lalo na ang insinuation na tila nanggagamit siya.

Nagpahayag kasi si Cristine na hindi niya gusto ang ginawa ni Kian na nadyaryo pa ang tungkol sa pagpapadala ng flowers. Ayaw daw niya sa lalaking madaldal at ibinabalita agad sa press ang mga ganu’ng bagay.

Say ng friend ni Kian na nakausap namin, hindi naman daw ipinagkalat ng ex- housemate ang tungkol sa pagpapadala niya ng flowers. Nagkataon lang na ipina-presscon ito ng Star Magic at hindi nakapagsinungaling nang tanungin ng press about it.

Maganda naman daw ang intensiyon ni Kian sa pagpapadala ng bulaklak at wala naman daw sa isip nito ang manggamit. Say pa ng tagapagtanggol ni Kian, sobrang effort daw ang ginawa ng young actor to the point na maagang gumising para bumili ng bulaklak.

Bago pa ito ay nagtanung-tanong na raw ang binata ng paboritong pagkain ng young actress at nang malamang mahilig ito sa pizza ay buy din siya kasabay ng flowers.

Naipagtanong na rin ni Kian ang birthday ni Cristine na Feb. 5 at bago nangyari ito ay may pinaplano rin sana siyang sorpresa sa young actress. Pero dahil sa naging reaksyon nga ni Cristine, hindi na niya itinuloy ang kanyang balak.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES