Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, February 25, 2009

Kris Aquino binawi ang pakikipagbati kay Dra. Belo

Unethical at unprofessional ang ipinakita ni Dra. Vicky Belo sa interview sa kanya noong nakaraang araw ng linggo sa Showbiz Central kung saan sinabi nito na kung gusto ninyong makamukha ni Boy Abunda ay kay Dr. Manny Calayan magpunta at kung gusto naman daw na mag-ala Dingdong Dantes ay sa Belo tayo magpunta.

Marami sa mga nakapanood ang nawindang sa si-nabi ni Belo dahil hindi raw nararapat na siraan mo ang kapwa mo doktor on national television.

As if, napakagaling niya sa iyong profession.

Unang-una, bakit kaila-ngan “insultuhin” si Boy Abunda at Dr. Calayan?

Hindi kaya sampal kay Vicki Belo ang sinabi niya, dahil kanino ba nanggaling bilang endorser ng clinic si Boy, ‘di ba sa kanya?

Ngayong nasa poder na niya si Dingdong Dantes ipinagmamalaki niya ang kaguwapuhan nito.

Para sa kaalaman ng lahat, napag-alaman namin na galing si Dingdong kay Calayan na siyang nagme-maintain kung ano man ang meron ang aktor ngayon.

Nagbabayad siya ng malaki para makuha ang serbisyo ng celebrities na unang na-ging kliyente ng Calayan tulad nina Ruffa Gut-tierez, Katrina Halili at marami pang iba.

Kumukuha rin ang Belo ng artistang endorsers na kung tutuusin ay wala nang gagawin pa dahil almost perfect na ang hitsura at kutis ni Lucy Torres na napakakinis at napakaganda ng mukha.

May nakikita ba kayo na puwede pang iretoke ni Belo? Wala na.

Aminin man nila at hindi, marami sa kanyang endorsers ang umaalis na sa kanya dahil hindi sila satisfied sa kanyang gawa.

Bakit hindi niya tanu-ngin si Ai Ai de las Alas kung bakit siya lumipat kay Calayan kahit walang offer na bayad sa kanya?

Diyan kayo magtaka.

Dahil kung mahusay ka hindi aalis sa iyo ang mga kliyenteng artista kahit binayaran mo ang mga ito.

Lumalabas tuloy na nagsa-sour grape si Vicky Belo dahil lumipat sa kanyang mortal na kakumpetensiya ang kanyang malalaking endorsers.

Isa pa mali ay ang timing ng kanyang paninira kina Boy Abunda at Dr. Manny Calayan dahil nataon na may demandang nakasampa sa kanya ang isang nurse na nakabase sa Estados Unidos nang masunog ang mukha na nag-undergo ng “Thermage” procedure” sa klinika ni Belo.

Nagsampa si Leila Palaganas ng negligence at reckless imprudence resulting to physical injury laban kina Vicky Belo at isang surgeon ng Belo Medical Group na si Jennifer Sison at humihingi ito ng P20 milyong danyos.

Nagkaroon din sila ng “kapalpakan” nang mamatay ang isang kliyente nila na nag- undergo ng liposuction dahil hindi nila inalam mabuti ang kalagayan ng babae na buntis pala.

Malaki ang ibinayad nila sa naiwan ng biktima.

Ngayon, may karapatan bang magmalaki si Dra. belo sa kabila ng sunud-sunod na kontrobersyang kanyang kinasasangkutan.

Alam din kaya ng Belo na gusto na ni Katrina Halili na bumalik kay Calayan?

Napag-alaman namin na pumunta si Katrina kamakailan sa klinika ni Doc Manny sa Timog ang at nagpahayag na nais nang bumalik pero pinag-iisipan pa raw ni Dr. Calayan kung tatanggapin itong muli dahil nga sa natatakot na silang baka dumating ang oras na may mag-offer uli ng pera ay muli siyang iwan nito.

Balik tayo kay Boy.

Kung tutuusin ay malaki ang naitulong nito sa pagpapasikat kay Belo kaya masamang-masama ang loob ng host sa dating kaibigan at ito ay nagsalita sa TV show nila ni Kris Aquino na SNN.

Ang balita pa namin, maging si Kris ay nagpupuyos sa galit at kung nagkabati na sila ni Belo,ngayon binabawi na nito dahil sa ginawang panlalait nito kay Boy, na alam naman nating mahal na mahal pa man din ni Tetay.

Siguradong marami pa ang ibabatong batikos ng mga malalapit kay Boy Abunda laban kay Vicky Belo.

Ang sa amin naman ay wala kaming kinakampihan. Ang hindi lang namin nagustuhan sa ginawa si Vicki ay ang laitin ang kanyang kapwa at naging kaibigan pa mandin para lamang maia-ngat ang kanyang sarili.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

3 Comments:

At 1:12 PM, Anonymous Anonymous said...

kulang sa kansot yang si dra. belo mula ng nawala na ung toyboy nyang si dr. kho.

ganyan talaga pag kulang prang nababaliw at nawawala sa sariling katino-an.

punain nyo, prang sumobrang kumirat na ung mata nya......hehehehehe

 
At 10:57 PM, Anonymous Anonymous said...

mukha ni vicky na retoke na ba niya yon mismo?ang panget kasi nyahahahaha!pati na yong mata niya hndi pantay dapat unahin muna niya ang sarili nyang laitin bago si boy abunda...hahahaha!akala naman niya kagandahan siya eh kaya lang naman sya pinatulan ni Hayden dahil sa pera of course!

 
At 12:45 AM, Anonymous Anonymous said...

ang tapang nga ng apog ng matandang dra. belo na yan na nagpa-interview pa sa tv tungkol doon sa bf nyang si hayden, samantalang parang anak nlang nya ung agwat nla sa edad.

ung mga anak nga nya naaasiwa sa ginagawa nya tapos ang lakas pa ng loob magsalita sa harap ng tv.

ano ba yan nde kna ba nahihiya nyan? bigyan mo naman ng kahit konting kahihiyaan ang mga anak mo.........hehehehehehehe

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES