Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, February 21, 2009

Kris Aquino interviews Dra. Vicki Belo

NATULDUKAN na ang matagal na ‘tampuhan’ sa pagitan ng dating magkaibigan na sina Kris Aquino at Dra. Vicki Belo nang interbyuhin ni Kris si Dra. Belo para sa bagong primetime show niya sa ABS-CBN na SNN: Showbiz News Ngayon.

Naganap ang paghaharap ng dalawa nu’ng Huwebes nang hapon sa bahay ni Dra. Belo sa Dasmariñas Village, Makati. Kinagabihan ay ipinalabas ang unang bahagi ng nasabing exclusive interview ni Kris sa SNN.

Nasa set kami ng SNN sa Studio 8 ng ABS-CBN kamakalawa nang gabi kaya natsika-tsika namin si Kris bago nagsimula ang show tungkol sa pagkakabati nila ni Vicki.
Noon lang ulit nagkaharap at nagkausap ang dalawa matapos ang kontrobersyal na isyu sa pagitan ng mister ni Kris na si James Yap at sa da­ting staff ng Belo Medical Group na si Hope Centeno nu’ng Pebrero 2007.
Ayon kay Kris, hindi siya nailang nang magkita sila ni Dra. Belo at naging masaya ang kanilang interbyuhan. Cute ang emote ni Kris na pinaghintay siya ni Vicki nang 30 minuto bago siya nito hinarap.
“Maaga kasi akong umalis ng house because akala ko, traffic sa C-5. Eh hindi pala, so mabilis kaming nakarating sa house niya.
“So, by 3:00 PM, nakapuwesto na ako. Bu­maba siya, 3:30 PM na. She made me wait for 30 minutes! Ha! Ha! Ha! But when your show is ra­ting, you make tiis!” natata­wang emote ni Kristeta.
Ibig sabihin ay okey na pala sila ni Dra. Belo bago pa naganap ang nasabing interview?
“It’s not like we’re having dinner or an­ything. Wala lang,” kaswal na sagot ni Kris.
Kuwento ni Kris, walang preno ang bibig ni Dra. Belo sa tsikahan nila at siya pa ang nagsa­sabi rito kung ano ang mga hindi na dapat sabihin.
Ginawang 3 parts ang airing ng interview dahil sa dami ng napag-usapan nila.
Nalokah rin si Kris sa ibang mga binanggit ni Vicki na feeling niya ay kadema-demanda, kaya sinabihan niya ang kanyang staff na i-bleep na lang ang mga ‘yon.
***
Sa napanood naming first part ng Kris-Vicki interview ay halatang na-miss nila ang isa’t isa.
Sey ni Kris, marami silang common friends ang nagsasabi sa kanyang magbati na sila at huwag na siyang magalit kay Dra. Belo.
Ang lagi raw sagot ni Kris sa mga ito ay, “I ne­ver hated her!” Hindi raw talaga siya nagtanim ng galit kay Vicki, kaya siya na rin ang nag-reach out para magkaayos sila.
‘Kaaliw ‘yung pag-amin ni Dra. Belo na na-hurt siya nang lumipat sa ibang beauty clinic si Kris, ganundin si Boy Abunda na ngayon ay nasa Calayan na.
Very Kris ‘yung pag-o-on the spot niya kay doktora kung anu-anong parte ng mukha at katawan ni Vicki ang ipinagawa nito.
Walang keber itong sinagot ng beauty doctor at inaming nagpabawas siya ng boobs at inisa-isa ang napakaraming niretoke sa kanyang katawan at mukha.
Nang mapag-usapan ang tungkol sa mga lalaki sa buhay ni Dra. Belo ay wala ring edit-edit si Vicki. Gulat na gulat si Kris nang sabihin ni Vicki na 300 mgs. of Valium ang nilaklak ni Hayden Kho nang magtangka itong magpatiwakal after nilang mag-break.
Mas ikinalokah ni Kris nang sabihin ni Vicki na ang toxic dosage ng Valium ay 100 mgs., kaya masuwerte si Hayden na nabuhay pa ito.
Manghang-mangha rin si Kris na inabot nang 5 days bago nagising si Hayden sa ospital sa dami ng gamot na kailangang alisin sa katawan nito.
Hanggang sa Lunes pa tatakbo ang very juicy and revealing interview ni Kris kay Dra. Belo sa SNN.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 1:47 AM, Anonymous Anonymous said...

sanay na kce si dr. kho tumira ng valium kaya nde basta basta matitigok yan. adik na kce yan dahil kailangan nyang uminom ng valium bago nya yayarin ang matandang dra. belo na yan.

para siguro malibugan ang kumag ke tanda......hehehehe

 
At 11:26 AM, Anonymous Anonymous said...

dapat ipaayos ni dra. belo ung mata nya sa klinika nya dahil sa prang sobrang kumirat na ung mata nya.

dahil sa sobra kceng pagpapapungay ng kwela......hehehehehe

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES