Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, February 18, 2009

‘Lalaki’ ni Ruffa, wanted kay Yilmaz

NAPANOOD ko ang Ruffa and Ai pilot episode kahit nasa Amerika ako ngayon.
Habang ongoing ang show noong Monday, ka-text ko si Tito Alfie Lorenzo at ang tanong niya sa akin ay, “Paano mong alam ang nangyayari sa Ruffa and Ai eh nasa Amerika ka?”
It’s the magic of Internet, ang sagot ko.
May websites na pwede mong panoorin ang ilang TV show sa Pilipinas na sabay na sabay talaga, pati commercials ay kasama.
Ayon sa isang ABS-CBN executive na nakausap ko tungkol sa telecast na ito na live na napapanood sa ilang Internet websites, hindi ito legal.
Walang iyong authorization from them at ang ilan sa mga ito ay na- shut down na nila.
***
Natawa ako sa reactions ng KChardees nang i-announce ni Ruffa sa ending ng The Buzz na, “Jun, isulat mo na ang totoo!”
Ang akala ng fans nina Richard Gutierrez at KC Concepcion ay ipinasusulat sa akin ni Ruffa na mag-on na ang da-lawang bida ng When I Met U.
Actually, ang ipinasusulat sa akin ni Ruffa ay ‘yung istorya kung paano niya nakilala ‘yung John Faizad na napagkamalang boyfriend niya.
Ganito ‘yon. Noong Pebrero 8, matapos mag-impake si Ruffa ng mga gamit niya at babalik na siya ng Pilipinas noong Pebrero 9, sinundo kami ng L.A. beauty guru na si Monet Lu.
Nagyaya itong lu­mabas at mag-coffee raw kami sa Santa Monica a­rea.
Pagdating namin sa Santa Monica area, nagbago ang plano at sa Sky Bar na lang daw sa may Sunset kami mag-drink-drink.
Pagdating namin sa Sky Bar, konting tsika-tsika hanggang lumapit kay Monet ang isang guy (si John nga) at tsinika-tsika ang beauty guru ng L.A.
Type yata ni Monet si John, kaya ipinakilala niya sa grupo ang lalaking ‘yon.
Nang ipakilala na ni Monet sa amin si John, kinunan ni Monet ng picture si Ruffa, John at ang isang babaeng kaibi­gan ni Ruffa (na hindi ko na matandaan ang pangalan).
Kasama rin namin sa grupo ang isang kaibigan ni Ruffa na taga-Malaysia at si Aura, na niece ni Monet.
Narinig ko na tinanong ni Ruffa si John ng, “What do you do?” na hindi masagot na mabuti ng lalaki at tsumika-tsika na ang TV host/actress sa kaibigan niyang babae.
Ang nakatsikahan na lang ni John ay sina Monet, Aura at ‘yung isa pang babaeng kasama namin na taga-Malaysia.
After a while, nagyaya na si Ruffa na umalis ng Sky Bar dahil maaga pa ang lakad namin kinaumagahan at pupunta pa kami sa passport agency dahil mag-i-inquire siya tungkol sa renewal ng passports ng mga anak niyang sina Lorin at Venice.
Ayaw ni Ruffa na maging killjoy kay Mo-net, kaya nang mag-offer ang L.A. beauty guru na ihahatid na kami, nag-dia­logue si Ruffa na huwag na lang at magta-taxi na kami.
“Alam ko namang type mo ‘yang guy na kausap mo kaya magta-taxi na kami ni Jun. Maiwan na kayo,” sey ni Ruffa kay Monet.
‘Yun lang ang eksena sa Sky Bar, kaya naloka si Ruffa nang lumabas na parang boyfriend niya si John at sinundan pa raw siya sa L.A.
“Ok lang naman na matsismis na may boyfriend ako kung totoo at kilala ko ‘yung guy, pero hindi.
“Ang main purpose ko sa pagpunta ko sa Amerika eh para ayusin ang papers ng mga anak ko,” sey ni Ruffa.
The latest I heard, ‘wanted’ kay Yilmaz ang source ng balitang boyfriend ni Ruffa ang John na ‘yon.
Nahihiya si Monet kay Ruffa na may ganoong lumabas na balita.
Tumawag si Mo­net kay Ruffa para mag-apologize.
Natakot yata si Mo-net na magalit si Ruffa at hindi na siya batiin sa The Buzz at Ruffa and Ai.
Galit ba si Ruffa dahil sa tsismis na ‘yon?
“Actually, hindi. Gusto ko lang ma-clear kung ano ‘yung totoo. Saka kawawa naman ‘yung tao na nagpakuha lang ng picture sa akin, tapos, baka hunting-in na siya ni Yilmaz dahil na­tsismis ako sa kanya,” sey ni Ruffa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES