Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, February 02, 2009

Maja Salvador naghahanap ng inspirasyon

WISH ni Maja Salvador na ngayong 2009 ay mas marami siyang projects na dumating. Ang term nga na ginamit niya ay “more quota” raw sana this year.

Ipina-elaborate sa kanya kung ano ang ibig niyang sabihin sa “more quota” at ipinaliwanag naman niya.

“Noong 2008, ang last na soap ko, Patayin sa Sindak si Barbara. Tapos, after nu’n, Kapitan Boom, Your Song, tapos nag-taping ako ng Moon River, pero nag-stop-stop.

“So, andu’n ako sa parang naghihintay. Siyempre, naka-block-off lahat ng schedule kasi for Moon River. Bawal akong gumawa ng ibang soap kasi pinaghahandaan.

“So, kaya ko nasabi kanina na more quota, kasi kumbaga, noong 2008, hindi po masyado sa Primetime Bida. Kumbaga, noong 2008, maraming endorsements, pero alam n’yo po ’yon, sa ASAP lang ako nakikita, bihira lang.

“So, ngayong 2009, tumalon talaga ako habang sinasabi kong ‘more projects.’ ’Di ba, sabi, tatangkad ka (’pag tumalon ’pag New Year), pero ako talaga, ‘more projects, more quota,’ mga ganu’n.”

Ngayon, buwena-manong primetime project ni Maja ang May Bukas Pa na, incidentally, ay magsisimula nang umere tonight, Feb. 2.

Makakasama niya rito si Rayver Cruz bilang pagbabalik ng kanilang tambalan, ang batang si Zaijan Jaranilla at bigating stars tulad nina Dina Bonnevie, Albert Martinez, Tonton Gutierrez, Jaime Fabregas, Tony Mabesa at marami pang iba.

Kasama rin sa wish ni Maja na magkaroon na ng lovelife dahil aniya, kailangan naman daw natin minsan ang ganu’n.

“Minsan, kailangan mo rin naman ng inspirasyon para sa ’yo. Kumbaga, parang ’di ba, parang…hindi lang kasi ang family mo ang nagbibigay sa ’yo ng saya. Parang minsan, kailangan mo rin ng kaunting kilig, ganu’n.

“Kumbaga, ’yung magte-text lang ng ‘kumain ka na ba?’ ’Yung mga ganu’n ba?” say pa ni Maja.

Napapabalitang sila na naman ni Carlo Aquino at sabi ni Maja, nasa point sila ng aktor na nagre-renew ng friendship ngayong mga panahong ito.
Kung saan daw ito hahantong ay tingnan na lang natin.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES