Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, February 04, 2009

Pop Icons Valentines concert in Cebu

Bukod sa pagiging pop icons, puwede ring tawaging samahan ng mga walang dyowa sa Valentine sina Piolo Pascual, Sam Milby, Christian Bautista, Erik Santos and Mark Bautista. Wala lahat silang girlfriend kaya say ni Piolo, ang mga Cebuano na lang ang makaka-date nila dahil may concert sila sa Araw ng mga Puso sa Waterfront Cebu. Mauuna kasing mapanood ang Pop Icons na produced ng ASAP Live at Sunday Night Productions na pag-aari nilang lima sa Cebu.

Si Piolo, wanted pa rin ang babaeng gustong makasama sa habang buhay. Si Sam, kakahiwalay lang kay Anne Curtis; si Christian, may ibang boyfriend na ang ex-dyowang si Rachelle Ann Go, si Erik walang girlfriend na kinukuwento after Rufa Mae Quinto at si Mark, lalong walang nababalitang girlfriend at si Sarah Geronimo lang ang madalas niyang banggitin ang pangalan na gusto niya pero never naman niyang naging girlfriend.

After Valentine pa ang concert nila sa Araneta Coliseum na ididirek ni Rowell Santiago at si Louie Ocampo ang musical director.

Si Piolo siyempre ang pinakasikat at pinaka-mayaman sa grupo pero supportive siya sa apat niyang kaibigan. Siya rin naman kasi ang tumatayong lider. At hindi man siguro niya sabihin, malamang na siya ang may pinaka-malaking puhunan.

Tribute sa icons ang kasama sa concept ng concert nilang lima na lahat napapanood sa ASAP. Pero kuwento ni Piolo, hindi napapanood sa ASAP ang gagawin nila sa concert.

Anyway, bukod sa magkakasama sila sa ASAP, magkakaibigan sila at magkakasama sa congregation na si Piolo ang tumatayong Pastor sa Victory Fellowship at tuwing Linggo ng gabi ang kanilang fellowship kaya nabuo ang grupo nilang Sunday Night Productions. Kaya naman kilala na nila ang isa’t isa.

Actually, si Erik ang mukhang talagang clown ng grupo. Lahat sila, mukhang naaaliw sa singer na willing mag-topless nang may magtanong kung magpapa-sexy sila sa concert.

Kahit nga si Piolo, si Erik ang choice na kumanta sa kanyang kasal.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES