Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, February 09, 2009

Pops Fernandez at Martin Nievera concert, successful

Successful ang unang venture ng actor-turned concert producer na si Jomari Yllana sa pama­ma­gitan ng reunion pre-Valentine concert ng ex-couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera, ang Missing You na ginanap sa Araneta Coliseum nung Biyernes (Feb. 6) ng gabi at dinirek ni Rowell San­tiago. Punum-puno ang Big Dome, isang patunay na hindi pa rin talaga nawawala ang hatak ng dating mag-asawa.

Dahil sa malaking tagumpay ng Missing You, napag-alaman namin na magkakaroon umano ng repeat concert sa susunod na buwan. Iikot din ang Missing You concert sa Amerika at sa ibang bansa sa taong ito.

Kahit si Jomari ang producer, ibinigay niya ang gabing ‘yon sa dating mag-asawa at sa kanilang mga anak na sina Robin at Ram. Practically, the concert was a family affair dahil walang ibang guest artists kundi ang dalawang anak nina Pops at Martin na parehong talented tulad ng kanilang mga magulang.

Parehong maganda ang boses nina Robin at Ram. Mahilig sa gitara si Robin at mahilig namang mag-drawing si Ram na kailangang magbawas sa kanyang timbang. Mas malalaki pa ang katawan nina Robin at Ram kumpara sa kanilang amang si Martin.

Mahigit limang taon din ang binilang bago muling nagkasama sina Pops at Martin sa isang major concert. Nung sila’y mag-asawa pa, taun-taon ay me­ron silang Valentine concert together at isa na itong yearly event hanggang sa ito’y maputol nang sila’y magkahiwalay.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay at pagkaka­roon ng kani-kanyang buhay, naroon pa rin ang magic at chemistry ng tambalan nina Pops at Martin sa entablado.

Napakaganda pa ring panoorin sina Pops at Martin na ‘naglalandian’ sa stage. Kinakagat pa rin ng audience ang kanilang biruan na animo’y hindi pa rin sila hiwalay. Sinuman ang manood sa kanila ay nakakaramdam ng panghihinayang kung bakit sila nagkahiwalay at ang iba naman ay patuloy pa ring umaasa na sana, balang araw, magkabalikan pa rin ang (dating) mag-asawa kahit pa may kani-kanya na silang buhay ngayon at may ibang karelasyon.

Kumpirmadong wala na nga sina Martin at si Katrina Ojeda (na ipinalit niya kay Pops) kung kanino siya may isang anak, si Santino. May ibang karelasyon ngayon si Martin, isang non-showbiz lady na nagngangalang Angie at halos kapitbahay lamang umano ni Pops sa Ayala-Alabang. Open naman sa publiko ang three-year-old relationship nina Pops at ex-husband ni Aiko Melendez na si Jomari Yllana.

Kahit paminsan-minsan ay nagkakaroon pa rin ng misunderstanding o tampuhan sina Pops at Martin, nananatili pa rin ang pagiging close nila sa isa’t isa dahil sa kanilang dalawang anak na forever na magbibigkis sa kanilang dalawa.

Bago ang finale number ng Missing You, nag­pa­litan ng liham sina Pops at Martin na nagmula sa kanilang mga puso. Gumawa ng poem si Martin para kay Pops na kanyang binasa sa stage at, habang binabasa ito ni Martin, hindi napigilan ni Pops ang mapaiyak ganoon din ang mga tao sa audience.

Very touching ang sinulat na poem ni Martin para sa dating asawa at ramdam doon ang kanyang panghihinayang sa kanilang relasyon pero sa kabila ng mga nangyari, forever umano niyang mamahalin si Pops na patuloy niyang itatanging isang espesyal na babae sa kanya puso.

Makahulugan din ang nilalaman ng bukas na liham ni Pops para kay Martin kaya marami ang naiyak. Nang matapos basahin nina Pops at Martin ang kanilang magkahiwalay na liham ay saka naman nila inawit ang The Promise.

Nung Huwebes ng gabi, February 5 ay kaarawan ni Martin. Sinorpresa si Martin nina Pops at Jomari. Touched siyempre si Martin.

Nakakatuwang tingnan na very comfortable na ngayon si Martin sa present boyfriend ni Pops na si Jomari. Naroon din nang ga­bing ‘yon ang kasalukuyang girlfriend ni Martin na nag­ngangalang Angie.

Samantala, hindi kaya nakaramdam ng selos si Jomari nang magsabihan sina Pops at Martin ng ‘I Love You’ matapos nilang basahin ang kanilang magkahiwalay na sulat?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES