Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, February 01, 2009

Rayver three years pa ang kailangang hintayin

After endorsing Careline, ang cosmetics line ng Ever Bilena para sa mga teens, for three years ay pinalitan na ni Sarah Geronimo si Toni Gonzaga bilang image model sa lumalaking market nito. Sinabi ng mga execs ng Careline sa bonggang launch na ginawa nila kamakailan sa Annabel’s para kay Sarah na kapag na-mature na rin ang Pop Princess ay sasamahan nito si Toni na mag-endorse ng Ever Bilena.

Ito naman ay kung tatanggapin ng dalawa ang kanilang offer. Meanwhile, Sarah will bring Careline closer to its your market.

Kaya kapag nakita n’yong made up si Sarah ngayon, hindi dahil nagpapa-cute siya kay Rayver Cruz, ang lalaking sinasabing head over heels sa kanya ngayon, obligasyon lamang niyang maging maganda at mag-mukhang dalaga dahil sa Careline.

“Flattered ako sa atensyon na ipinakikita ni Rayver sa akin, pero mayro’ng right time at right age para dito. Siguro mga three years from now. At the moment gusto ko munang mag-focus sa aking work which includes being a role model sa mga kabataan,” anang singer/actress na sa buwang ito ay mapapanood na ang ginawa nilang sequel ni John Lloyd Cruz ng A Very Special Love, isang malaking blockbuster movie ng Star Cinema.

* * *

Marami ang happy sa takbo ng lovelife ni Angelica Panganiban dahil she is one woman who deserves to have a man who can inspire her to be a better actress. Si Derek Ramsey nga ito who brought her to a party na nagbigay daan para makuha siyang isa sa pinaka-latest model ng Swatch.

Ang isa pa ay si Anne Curtis. Silang dalawa ay ipinakilala kamakailan ng Swatch bilang pinakabago nilang modelo. Sa mga hindi nakakaalam, isang Swatch girl si Angel. Bukod sa pangungulekta ng magagandang sapatos, nangungulekta rin siya ng Swatch.

Pero sa ngayon ang endorser ng Swatch na may pinakamalaking koleksyon nito ay si Lea Salonga. Nang tanungin kung bakit sila ni Anne ang kinuha ng Swatch para maging endorser gayong marami pa ring ibang magagandang artistang babae tayo na sexy rin at sikat, sinabi ni Virgie Ramos ng Swatch na ang naging lamang nilang dalawa ay orihinal ang beauty nila, hindi retokado!

Samantala mapapanood si Angel at ang boyfriend niyang si Derek sa lahat ng Linggo ng Pebrero sa Your Song Presents ‘Feb-Ibig’. Isa ang tandem nila sa apat na pinag-uusapang loveteams ngayon na maghahandog ng kilig-to-the-max stories sa Your Song Presents.

* * *

Lahat pala ng karagdagang piso na kinuha sa mga manonood ng lahat ng sinehan sa Quezon City sa buong buwan ng Hulyo 2008, ang nabiyayaan ay ang Mowelfund, ang bale insurance ng mga manggagawa sa lokal na industriya ng pelikula.

Ito ay sa pamamagitan ng isang ordinansa na ginawa ni Konsehal Ariel Inton nung 2008 na nag-uutos sa lahat ng sinehan sa QC na magdagdag ng piso sa mga tiket na binibili ng mga manonood ng sine.

Early 2009, tinulungan din ni Kon. Inton ang Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino (NMPP) na pinamumunuan ni direk Joel Lamangan na makalikom ng pondo para sa scholarship program nito sa pamamagitan ng pag­sa­­sagawa ng summer acting workshops.

Si Kon. Inton pa rin ang nagpasimuno para ang isang bahagi ng Jamboree St. na kung saan mata­tagpuan ang GMA Network Center na mapalitan ng pangalang GMA Network Drive.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES