Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, February 09, 2009

Ruffa & Ai, malapit na

Simula Pebrero 16, mapapanood na si AiAi de las Alas sa isang bagong celebrity talk show ng ABS CBN na pinamagatang Ruffa & Ai. Gaya ng isina-suggest ng title, hindi siya nag-iisa rito, dalawa silang host ni Ruffa Gutierrez.

Hindi ba siya natatakot na baka masapawan siya ng second princess sa Miss World na kilalang mahusay na host bukod pa sa pagiging Inglesera nito?

“Hindi! Walang sapawang mangyayari sa aming dalawa dahil magi-Ingles si Ruffa at Tagalog naman ako. O, di ba pantay na kami?

Eh baka naman sa alahas nito siya mamalikmata?

“Isuot na niya lahat ng alahas na gusto niya, ako babawi na lamang sa aking wittiness,” pabiro niyang tugon.

Walang insecurity ang itinuturing na reyna ng comedy concert at box office pagdating sa pagtatambal nila ni Ruffa sa isang pang-umagang tsikahan sa telebisyon (10:30 am, kapalit ng Boy & Kris) na pinamagatang Ruffa & Ai. Una, hindi niya ito hiningi sa ABS CBN, ibinigay lamang nila ito sa kanya.

“Nagulat na lamang ako nang sabihin nila ito sa akin. Nakalatag na. Hindi ako nabigyan ng choice although I appreciate the trust. Hindi nila ito ibibigay sa akin siguro kung hindi nila inaakala na kakayanin ko.”

Sa palagay niya, sino sa kanila ni Ruffa ang may mas malaking TF?

“Hindi ko alam pero baka ako,” pag-amin ng napakaabalang komedyante na naghihintay na rin na masimulan ang pelikulang pagsasamahan nila ni Mega (Sharon Cuneta).

Bagaman nabalitang ang Ang Tanging Ina N’yong Lahat ang pinakahuling episode na ng Ang Tanging Ina, meron nang isa pang sequel na inihahanda ng Star Cinema siguro dahil patuloy pa rin ang pagpapasok nito ng kita sa takilya. As of presstime, nakaka-P200M plus na ito,

“Nabigyan na ako ng bonus na ginamit ko para sa pamilya ko, sa resto bar ko at nagbigay din ako sa charity.”

“I’m so thankful, kaya nga panay ang pagdarasal ko kay Lord, nagpapasalamat ako sa mga blessings niya and wishing na huwag mawala ang magic ko sa tao. Bukod dito, hinihiling ko rin na sana maging malusog ako at ang pamilya ko.

“Yung sa love, maghihintay na lamang ako. Alam ko na darating din siya, hindi ko na siya kailangang hanapin, siya ang maghahanap sa akin. Hindi ako nagmamadali. Hinihintay ko munang ma-establish ang mga anak ko, kapag nangyayari na ito, magugulat na lamang kayo dahil mag-aasawa na ako,” dagdag pa ni Aiai.

Going back sa pagkukumpara sa kanila ni Ruffa Gutierrez, sinabi ni AiAi na sa ganda, bow siya sa magiging co-host pero, “sa talino hindi naman siguro kami nagkakalayo. Sa yaman naman, mas mayaman siya sa akin ng konti. Pero, pagdating sa experience, dun kami pantay kasi pareho kaming battered, binugbog ng asawa,” sabi niya na sinabayan ng tawa.

Mayroon siyang pre-Valentine concert sa Peb. 13 sa kanyang sariling resto bar, sa Ai Sarap na matatagpuan sa harap ng ABS CBN, sa tabi ng Bahay ni Kuya. May titulo itong Ai Lab U!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES