Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, February 17, 2009

Ruffa & Ai, nakakaaliw

Nakakaaliw ang unang presentation ng Ruffa & Ai, ang programang pumalit sa Boy & Kris, kahapon. Live ang unang episode. Halatang parehong excited sina Ruffa Gutierrez and AiAi delas Alas­ na obvious ding na­nganganay pa sa kanilang bagong programa.

Pero kung rapport ang pag-uusapan, papatok sila. Kombinasyon ng isang sosyal na Inglesera at isang sobrang magaling magpatawa na walang pakialam kung ano’ng ginagawa.

Kaya ayun, sa simula pa lang nila kahapon, natanggal ang left shoe ni AiAi habang sumasayaw kaya ang ginawa niya, tinanggal na rin niya yung isa pa.

Maya-maya, yung lapel mic naman niya ang natanggal na tinulungang ikabit ni Ruffa.

Unang nag-appear na guest, si KC Concepcion.

Sunod nilang guest ay si Sarah Geronimo.

Pero bago ang appearance ni Sarah, merong instant contest na mananalo ng Magic Sing.

With confidence, sabi ba naman ni Ruffa, “Ang makakakuha ng photo ni Sarah sa ilalim ng inuupuan n’yo ay mananalo ng Magic Song.”

Kaaliw! Kinorek siya ni AiAi na Magic Sing.

Next na guest si Gabby Concepcion (na nakasayaw ni AiAi) na expert pala sa pagpapaligo ng bata.

Noong umapir nga pala si Gabby, aba, biglang nagbababahing si AiAi on air! Hindi talaga napigilan ng Comedy Queen ang paghatsing ng ilang beses.

Ang duda namin nina Uncle Eugene Asis (People’s Journal), Dondon Sermino (Abante) and Jerry Olea (Abante Tonite), na-allergy siya sa aso dahil surprise ang naging appearance ng isandosenang aso ni Sarah.

Pero hindi eh, matagal nang nakalabas ang aso bago napahatsing si AiAi on air. Si Gabby na ang kausap nila.

Duda tuloy namin, baka naman sa pabango ni Gabby? May ganun kasi eh.

But anyway, mas jologs ang programa sa mga pinaggagawa nila kaya siguradong mas magiging epektib sa audience.

Sigurado rin na mababawasan ang kasosyalan ni Ruffa sa prog­rama, at si AiAi, sigura­dong patok sa audience ang mga patawa niya. Na­tural kung magpata­wa si AiAi at ngayon lang siya mapapanood sa gani­tong programa. At pare­ho nilang carry ang mga ganung eksena.

Si Mr. Boy Abunda nga pala ang nag-intro sa kanila na siyempre ay ilang taon ding napanood sa nasabing slot hanggang ma­ka­­­sama si Kris Aquino at ma­ging Boy & Kris. Nga­yon, lilipat sila sa primetime slot sa bagong programa na Show­biz News Ngayon, with Kris pa rin.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 1:52 PM, Anonymous Anonymous said...

parang baligtad po yata ang news....si ruffa po ang natanggalan ng shoes at nahulogan ng mic habang nagsasayaw sila...hehehe!pinanood ko kasi yon kasi fan nila akong dalawa...i like the show!gudlak ruffa and ai...

 
At 11:43 PM, Anonymous Anonymous said...

Ako rin, naaliw ako. Hilarious siya.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES