Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, February 13, 2009

Ruffa Gutierrez's book, hinarang ni Yilmaz!

Kararating lang ni Ruffa Gutierrez mula sa bakasyon sa Amerika last Wednesday at kahapon, pumirma na siya ng one-year contract sa ABS-CBN para sa bago nilang morning show ni Ai-Ai de las Alas na Ruffa and Ai.

Excited si Ruffa sa bagong show at say nga niya, answered prayer ito dahil matagal na niyang gustong magkaroon ng morning show at nagpapasalamat siya sa ABS-CBN na ibinigay naman sa kanya.

“Talagang ipinagdasal ko ito and I’m just so happy na ibinigay sa akin, so now, I’m gonna work really hard and give my best para naman mapatunayan ko sa kanila na itong responsiblidad na ibinigay nila sa akin, eh, kayang-kaya kong i-live-up to their expectations.”

Thankful din siya kina Kris Aquino at Boy Abunda sa pagre-recommend sa kanya sa bagong show since ang pinalitan nila ay ang Boy & Kris.

“In fairness kay Kris, she said that she recommended me, both her and Tito Boy, so, I’m very thankful kay Kris at wala pa akong kaalam-alam, tsinismis na niya sa akin, but siyempre, ayoko namang maniwala sa kanya even if she’s my friend because anything can happen, alam mo naman. So, at least ngayon, masasabi kong aking-akin na kasi pumirma na ako ng kontrata.

“Thankful ako sa kanya (Kris) na at least, mayroon akong blessing niya. Napaka-importante kasi na magaan sa loob nina Tito Boy and Kris, as a matter of fact, mamaya, may workshop kami ni Ai-Ai with Tito Boy at bibigyan pa niya kami ng pointers,” kuwento pa ni Ruffa.

Magsisimula na sa Feb. 16 ang bagong show nila and as we all know, makakatapat nila ang show ng Sis, na taon na rin ang binibilang sa ere.

Wala bang pressure?

“Well, si Carmina (Villarroel, isa sa hosts ng Sis) said good luck naman to me but you know, I don’t watch their show, so, I don’t know what I’m up against. So, I think, for me and Ai-Ai, we’re just gonna do out best together to give everyone a good show. “We’re here to give everyone a different putahe naman. Something na you know, baka bored na sila sa kabila, wala silang ibang choice, at least, nandito na kami ni Ai-Ai.

“Wala pa akong pressure ngayon, I’m just excited. Baka sa Sunday pa ako magkaroon ng pressure,” say niya.

Kung sa The Buzz ay designer clothes ang isinusuot niya’t pabonggahan sila ni Kris, dito sa Ruffa and Ai, simple lang daw siya’t pang-masa ang dating. Pati ang accessories niya, simple lang daw.

Kinumusta naman namin kay Ruffa ang kanyang bakasyon sa Amerika at say niya, nag-enjoy siya sa one-week-and-a-half niyang pananatili sa U.S.

At least, nakapagpahinga raw siya at nakapag-recharge since magiging loaded talaga siya once na nagsimula na ang daily morning show.

May tsismis na nagkita raw sila ng estranged husband na si Yilmaz Bektas at pinabulaanan niya ito. Pero, kasabay nu’n ang pakiusap na huwag nang pag-usapan pa ang kanyang ex dahil naiiniis na naman daw siya rito.

“Nag-away na naman kami kaya huwag na natin siyang pag-usapan. Nakakainis siya,” say niya.

At first, ayaw niya talagang sabihin kung bakit, pero later ay sinabi rin niya.

“Du’n siya nabuwisit sa libro, ’no! Akala ko okay na sa kanya. Na-pick-up daw kasi ng Turkish press kaya siya naman ang ginugulu-gulo ru’n. Baka naman tulog siya nun’g binigyan niya ako ng go signal.”

Ang librong tinutukoy ni Ruffa ay ang life story nila ni Yilmaz na balak nga rin niyang isapelikula pa.

Pumayag na raw ito noon at in fact ay uumpisahan na nga sana niya.

Pero ngayong nagbago na naman ang isip ni Yilmaz, hindi na lang daw muna niya itutuloy.

“Naku, gusto ko ng tahimik na buhay. Huwag na. I’ll write na lang a children’s book,” imbiyerna, pero nakangiting sey ni Ruffa.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES