Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, February 20, 2009

Sarah Geronimo, Bea Alonzo nag-iisnaban

DAHIL super successful ang tambalang John Lloyd Cruz at Sarah Ge-ronimo, heto’t may follow-up project sila, ang You Changed My Life na showing on Feb. 25 nationwide.

Ibig lang sabihin, ma-lakas talaga ang hatak ng dalawa sa fans at tila hindi na naghintay ang Star Cinema ng isang taon para gumawa ulit ng peli-kula ang dalawa.

Sa presscon ay sinabi ni John Lloyd na hindi man nila masapawan ang A Very Special Love, na naging mega-blockbus-ter talaga, ipinagdarasal daw nila na kahit mapantayan lamang nito ang success ng unang pro-yekto nila.

At bakit naman hindi? Quality film ang pinagbibidahan nina Lloydie at Sarah at naniniwala kaming nasa istorya din ‘yan.

Kumbaga, gaano man kalaki ang isang proyekto kung hindi maganda ang pagkaka-present ng plot, sayang din.

In fairness, may kilig element kasi ang takbo ng kuwento ng You Changed My Life, hindi mababagot ang mano-nood, ‘di ba?

Sa puntong ito, may ilang fans ang nagtatanong kung ano na ang mangyayari sa tandem nina John Lloyd at Bea Alonzo.

Naku, pati tuloy kami ay napaisip.

Oo nga, ‘noh? Nga-yong natuklasan na may mas bagay pala kay John Lloyd, at si Sarah nga ito, siguro ay makakahanap din ng ibang kapareha for Bea.

Actually, healthy rin nga ang ganoon para hindi rin sila ma-identify masyado sa isa’t isa. They can still work with other actors kumbaga.

May intriga pa nga kaming nabalitaan na diumano, mayroon daw ‘cold war’ sa pagitan nina Bea at Sarah, as in nag-iisnaban daw ang dalawa kapag nagkakasalubong sa ABS-CBN.

Bakit, may dahilan ba para ma-insecure si Bea?

In fairness kay Sarah, lagi naman nitong ina-acknowledge si Bea bilang ka-love team ni John Lloyd at naroon ang respeto ng singer-actress sa kahit na sinong co-actors niya. Ito ang gusto namin sa dalaga.

Blooming din si Sarah ngayon.

Iba na talaga kapag inspirado ka.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 1:18 AM, Anonymous Anonymous said...

ang sumulat nito ay ang kapal talaga...sipsip! siempre baka nga naman mataponan ng gracia ni geronimo.

 
At 9:35 PM, Anonymous Anonymous said...

oha oha ! WHY BEING SO SURE ? Ang KAPAL talaga ng nag sulat neto . WHAT EVER MAKE YA LOSERRR ! :)))

Baket, kasama ka ba talaga sa PRIVATE LIFE ng mga actors na eto ? E, di hamak na nakiki chismis ka lang e ! Ma kiki etchoz ka na nga lang . MALE MALE pa ! you know, don't be sure ah. I know I don't have the rights to tell you this and i'm also not part of their PRIVATE LIFE'S && I dunno any gossips going on, on them right now except for this. I dunno where should I believe but It's better to back off na, hindi na makisama . wala ng paghusgahan diba ? E kase naman, TRY MO KAYANG I-VISIT NALANG ANG ISA SA KANILA SA HOUSE AT DUN MAG-INTERVIEW =))) wahahah !

Nga pala, tandaan mo no, SYEMPRE YANG MGA YAN NAGPAPLASTIKAN DIN YAN SILA IN SOME THINGS but they are just atleast ignoring it. ANG KAPAL ng FACE MO ! di ko kaya MAPUNIT grabe . ECHOSERA KANG PAGONG KA ! YAR SO MAKING MY DAY BAD EVEN THOUGH YOU HAVE NOTHING TO DO WITH IT ! :))) Your article is so irritating ! JUST DELETE IT ! :)) la kang ma re receive na good comments :P

PS: I admit that em' a FAN OF BEA :)) pero, FAN DEN AKO NI SARAH NO ! :)) i'm not protecting BEA, but em' just telling you .. WHO ARE YOU PARA MANG HUSGA SA KANILA .. ?? STRANGER ?? :DD

PARA KANG PAPA MO HA ! ANAK KA TALAGA NG NANAY AT TATAY MO :)) HAHA . I hate you with all my HORMONES :P

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES