Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, February 20, 2009

Sarah Geronimo has an American suitor

MASAYANG-MASAYA si Sarah Geronimo nitong nakaraang Valentine’s Day kasi, may nagbigay sa kanya ng bouquet of flowers na mula pa sa America .

Kuwento ni Sarah sa press conference ng You Changed My Life, ang flowers ay mula pa sa isang admirer na taga-America. Ang natatandaan lang daw niyang pangalan nito ay Kit.

Ani Sarah: “Alam n’yo ‘di ko pa siya nakikita. Pero, malapit ko na siyang makita dahil may U.S. tour ako sa March 10. Two months akong mawawala sa bansa. ‘Di ko priority ngayon ang magka-boyfriend. Alam iyan ng parents ko. Ang sa akin ay trabaho lang muna. May tamang panahon para sa lovelife.”

Nang tanungin ng press people si Sarah kung ano talaga ang relasyon nila ngayon ni Mark Bautista na matagal na niyang kasama sa mga concert sa Pilipinas at sa abroad, nag-comment lang siyang sa mga lalaki, si Mark ang ka-close niya.

Iyon ay dahil madalas nga niyang nakakasama si Mark sa kanilang mga raket. Pero, barkadahan lang daw sila. Paano kung mauwi sa ligawan ang kanilang pagkakaibigan?

Ani Sarah: “Iginagalang po ako ni Mark. Alam niya po na hindi ako nagpapaligaw pa. Saka, wala naman po akong napi-feel na nagpaparamdam na siya sa akin. Basta, magkaibigan lang kami. Nagbibiruan kapag off- cam kami sa concert.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES