Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, February 28, 2009

T2 (Tenament 2): Star Cinema movie with Maricel Soriano

Ayaw munang gumawa ng drama ni Direk Chito Roño after ng Caregiver ni Megastar Sharon Cuneta.

“Gusto ko munang lumayo sa drama. Mahirap gumawa ng drama,” sabi ni Direk Chito nang maka-tsika namin kahapon para sa advance promo ng T2 (Tenament 2) starring Maricel Soriano na susunod na ipapalabas ng Star Cinema after ng showing ng super successful na You Changed My Life (kumita ng P18 million sa first day).

Base sa trailer ng movie, nakakatakot ito at parang mas grabe ang takot factor kesa sa mga nauna niyang pelikulang Feng Shui at Sukob na parehong winner sa takilya nang ipalabas.

Pero dapat ba kaming magmalisya sa sinabi ni Direk Chito na ayaw muna niya sa drama? Dahil ba sobrang hirap daw ang inabot niya sa shooting ng Caregiver? Kasi natatandaan ko na nabalitang dusa raw ang inabot nila sa shooting dahil nadi-delay at nagka-problema raw sila kay Mega.

Actually, bumawi naman si Direk Chito na before the year ends, gagawa uli siya ng drama.

Going back to T2. Hindi fantasy ang pelikula kundi pinasok nila ang mundo ng engkanto. At na-amazed siya na marami palang experience ang mga staff niya sa engkanto - like may isang pinsan ang isang staff niya na niligawan ng engkanto at kung anu-ano pang kuwento na scary tungkol sa mundo ng engkanto.

At dahil gagastos sila ng malaki sakaling itayo ang building na kailangan sa mga mundo ng eng­kanto, gumamit na lang sila ng CGI, kaya heavy ang special effects na pelikula na naka-schedule ipalabas sa Black Saturday, April 11.

FYI, huli silangnagka-trabaho ni Maricel sa Dahas.

“Enjoy akong katrabaho siya. Professional talaga. Hindi mo siya po-problemahin pagdating sa trabaho. Alam na niya ang gagawin niya pagdating sa shooting,” sabi ni Direk Chito.

Kasama ni Marya sa pelikula si Mika, kapatid ni Angelika dela Cruz na napili sa libu-libong nag-audition para sa nasabing role.

May kakaibang mata raw si Mika na nakita ni Direk tulad ng kay Serena Dalrymple noon.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES