Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, February 19, 2009

Utang ni Nyoy kay Nina umabot sa P1.4M

DAPAT magbigay ng panig si Nyoy Volante sa mga ibinulgar ng dating dyowa niyang si Nina sa SNN: Showbiz News Ngayon nu’ng Martes ng gabi.

Ang lakas ng impact ng interview ni Nina habang ikinukuwento ang detalye ng pangungutang ni Nyoy sa kanya before and during their relationship na diumano’y umabot sa P1.4M.

Kahit hindi pa naririnig ang side ni Nyoy, naawa agad kami kay Nina, lalo na nang maiyak siya sa tanong ng host na si Kris Aquino kung minahal ba siya ng male singer o ginamit lang.

Sa kuwento rin ni Nina, humantong pala sila ni Nyoy sa demandahan dahil sa utangan na ito.

Idinemanda ng mother niya ang mother ng male singer noong 2007 at hanggang ngayon, hindi pa ito nababayaran nang kumpleto.

Hahanga ka rin kay Nina kung paano niya ito na-handle quietly at hindi nalaman ng media until now.

Nilinaw niya na hindi siya lumabas para sirain si Nyoy kundi para malaman ang side niya sa mga akusasyong nangaliwa siya kaya sila naghiwalay ng singer at para na rin makipag-communicate sa kanila ang pamilya nito.

Sa ngayon kasi ay wala na raw silang naririnig mula sa mga ito.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES