Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, February 28, 2009

Wowowee, delikadong mawala na sa ere?

ISANG malungkot na balita ang nakarating sa Gala mula sa isang mapagkakatiwalaang source tungkol sa kasalukuyang kalagayan ni Willie Revillame at sa noontime show na Wowowee.

Ayon sa aming source, ipinayo ng doktor kay Willie na magpahinga muna, as in complete rest dahil sa kalagayan ng kanyang heart problem.

Bawal kasi sa kanya ang magpagod at ma-stress. Hindi biro ang magshow araw-araw ng dalawa’t kalahating oras na ang energy ay napakataas, bukod pa ang sobrang pag-iisip at puyat. Kung ikukumpara si Papi sa sasakyan ay para itong race car na kinakailangan din ng masusing check-up at overhaul. Napuna namin na sa ilang araw ng pagkakaratay ni Willie sa ospital ay naging matamlay ang kanyang show at malayo ang excitement na makikita kung ang pilyong host ang nandoroon. Kung tuluyang hindi magiging maganda ang health ni Papi, maaaring mawala na sa ere ang Wowowee lalo’t walang makukuha ang Dos na kapalit ni Willie.

Sa tingin namin ay mahihirapan ang ABS-CBN na makakuha ng kapalit ni Willie na naging tatak at kinikilala na ng mga kababayan natin sa lahat ng panig ng mundo kung saan napapanood ang Wowowee.

Alam namin na ang iniisip din ng pamunuan ng Ka-pamilya Network ay ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang no.1 talent na nagbigay kasiyahan sa mga Pinoy na naninirahan sa ibayong dagat na ang kanilang homesickness ay naiibsan sa panonood kay Willie. Dala-ngin ang aming hinihingi para sa patuloy na paggaling ni Willie sa karamdamang kanyang dinaranas ngayon.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 2:57 AM, Anonymous Anonymous said...

malamang nga na mawala si willie sa wowowee dahil sa sakit sa puso. nde simpleng sakit yan at maaring maging bunga pa yan ng atake at ikamatay.

pre cguradong meron namang makukuha ang abs-cbn na papalit sa kanya. nde lang naman sya ang nagdadala ng show na yan at marami pa rin ang manonood nyan dahil sa mga malalaking pa-premyo at tulong na naibibigay ng show na yan..........hehehehehehe

butata.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES