Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, February 16, 2009

You Changed My Life, nakaka-excite

Ngayon pa lamang ay inaasahan nang dudu­mugin ang sequel ng A Very Special Love nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, ang You Changed My Life, kahit maiksi pa lang trailer nito ang napa­panood at isang music video lamang.

In fact, bitin na bitin na ang mga fans, lalo na yung kay Sarah, na ma­kita kung finally ay umayag na itong magkaroon ng kissing scene. Mag-boyfriend na kasi sila ni Lloydie sa movie at hindi naman siguro realistic kung magyayakapan lang sila at maghahawakan ng kamay sa kabuuan ng pelikula.

Pero, hindi lamang ang movie ang ibinibitin ng Star Cinema para mas lalong maging exciting ito kundi maging ang mga eksena ng dalawang major stars. Kaya kahit next week pa ang showing nito, ang excitement ay lalong nada­ragdagan.

Matatandaan na ang A Very Special Love ay walang trailer but only a music video. Kaya naman nasabik ang mga manonood na naging dahilan para panoorin nila ng hindi lamang miminsan ang movie.

May isa nga akong colleague na pinanood ng makailang beses ang movie at each time, ibang boyfriend ang kasama niya.

Maraming kasamahang artista ni Sarah ang exci­ted din sa pelikula niya. Ang ka-loveteam ni John Lloyd na si Bea Alonzo, kahit abala sa trabaho sa Betty La Fea ay gustong manood sa premiere night nito.

Incidentally, ibabalik din after You Changed My Life ang loveteam nina Bea at John Lloyd. Malakas na ang demand para sa loveteam nila, maski na hindi pa ipinalalabas ang pakikipagtambal ni Bea kay Sam Milby sa pagbabalik-pelikula ng direktor na si Lauren Dyogi sa I Love You So.

Bea will be one of the Kapamilya stars who will be gracing the star-studded premiere of You Changed My Life.

Excited na ring mapanood ang pelikula ni Rayver Cruz. Wala siya sa AVSP, idinagdag ang kanyang character bilang bahagi ng isang bagong love triangle, siguro dahil nababalitang manliligaw siya ni Sarah. Baka nga naman masilip ng mga manonood at ng mga execs ng Star Cinema na may chemistry sila eh, bigyan din sila ng sarili nilang movie in the future. Matatandaang ang loveteam nina Sarah at Lloydie ay nagsimula lamang sa AVSL, baka sa YCML ay isa na namang bagong tandem ang isilang.

First movie ito ni Rayver sa Star Cinema. Sobrang natuwa ito dahil kahit bagong karagdagan siya sa movie ay naramdaman niya na welcome siya.

“Mabait silang lahat sa akin, they made me feel at home at masaya sa set,” sabi niya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES