Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, March 24, 2009

ABS-CBN, hangad ang tagumpay ni Pacman

Nakakaloka ang nangyaring urong-sulong na deal ni Manny Pacquiao sa ABS-CBN para i-air ang parating na laban nila ni Ricky Hatton.

As we all know, balik na sa GMA-7 ang airing matapos makipag-negotiate ni Manny sa ABS-CBN at pumirma ng kontrata.

Humingi ng dispensa ang People’s Champ sa kaguluhang nangyari na dulot daw ng hindi nila pagkakaintindihan ng Solar Sports.

Ayon sa balita, lumipad pa si Wilsong Tieng ng Solar Sports sa Los Angeles, California, para makausap si Manny at ipaliwanag ang nilalaman ng kontrata nito sa Solar Sports.

Napatunayan daw na valid and binding ang kontrata, kaya hindi na matutuloy ang negosasyon sa ABS-CBN.

Nagpahayag naman ang ABS-CBN na nirerespeto nila at naiintindihan ang desisyon ni Pacman at hangad nila ang magandang resulta ng laban nito kay Hatton.

Sari-saring reaksyon tuloy ang publiko. May nagtatanong kung hindi raw ba inintindi ni Pacman ang kontrata sa Solar bago nakipag-deal sa ABS-CBN.

Of course, kung may kontrata pa pala siya sa Solar, hindi talaga siya puwedeng makipag-deal at pumirma sa iba, otherwise, demanda talaga ang aabutin niya.

Ganu’n lang naman kasimple ’yon. Ewan lang kung bakit nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang MP Productions at ang Solar hinggil sa bagay na napakadali namang intindihin.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES