Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, March 25, 2009

ABS-CBN News, pumalag kay Pacquiao!

LABIS na ikinagulat ng ABS-CBN News ang panglalaglag na ginawa ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao nang sabihin nito nu’ng isang araw na hindi tinupad ng Dos ang pangakong walang video o footage na lalabas tungkol sa desisyon niyang palitan ang Solar Entertainment Corp. bilang media partner.

Sa press statement na ipinadala ng ABS-CBN News kahapon, sinabi nitong: “Ang embargo ay ang hindi muna pagpapalabas ng video habang wala pa niyang pahintulot.

“Narito po ang mga tunay na nangyari: Noong March 14, nag-record si Manny Pacquiao ng isang statement na hiniling niyang i-embargo. Hindi ipinalabas ng ABS-CBN News and video na iyon.

“Noong March 17, nag-record si Pacquiao ng isa pang statement kung saan niya sinabi na nilapitan niya ang ABS-CBN para maging media partner na magpapalabas ng kanyang mga laban.

“Inaprubahan niya ang pagpapalabas ng video na ito, kaya ipinakita ito sa aming mga balita noong Miyerkules, March 18.

“Noong March 19, sa aming interview sa kanya habang nasa training, hiniling niya ang suporta ng mga manonood at sinabing panoorin ang kanyang laban sa ABS-CBN.

“Noong March 20, muling idineklara ni Pacquiao sa interview ng ABS-CBN na ‘my decision [is] still the same. Fight mapapanood sa ABS-CBN.’

“Sinasagot namin ang mga akusasyon ni Pacquiao, dahil sinisira na nito ang mga pinahahalagahan namin bilang mga mamamahayag: Ang makatotohanang pagbabalita at paggalang sa aming mga source.

“Gayunpaman, patuloy kaming magbabalita tungkol sa laban ni Pacquiao at igagalang ang kanyang desisyon na makipagkasundo sa alinmang kumpanya para sa kanyang mga laban.”

Ang GMA Network naman, nagbigay din ng panibagong pahayag kahapon na nagsasaad na: “GMA Network maintains that after all the recent events that happened, Manny Pacquiao made the right decision by honoring his contract with Solar Sports and more importantly, by remaining a Kapuso.

“Pacquiao made a bold statement during the press conference organized by GMA Network and Solar Sports when he said that ABS-CBN reneged on their commitment to Pacquiao not to air the videos on his transfer to ABS-CBN until after he has proven the breach of contract on the part of Solar.

“Pacquiao also apologized to GMA Network and Solar Sports executives for what happened.

“GMA Network chairman, president and CEO Felipe Gozon admired Pacquiao for his courage to admit his faults. ‘It shows character for a man, particularly a world champion like Manny Pacquiao, to admit and ask forgiveness for committing a mistake. It took a lot of courage to tell the truth over what happened, even if in doing so, some quarters may fault him,’ Gozon said.

“Gozon also said that it is now time to move forward and forget about everything that happened. “‘We only want what is best for Manny and we wish him success in his fight against Ricky Hatton. His fight is not only for himself and his family, but for the entire country as well. He should now train hard and focus on his preparations for the fight,’ Gozon said.

“Manny Pacquiao’s fight with Ricky Hatton on May 2 (May 3 in the Philippines) will be seen by Filipinos nationwide for free on GMA Network.“

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES