Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, March 21, 2009

ABS-CBN : Wala kaming nilabag na karapatan

The other day, pinaalala ng GMA kay Pacquiao na may pinirmahan siyang kontrata sa network. Sinabi rin ng GMA na disappointed sila sa naging desisyon ni Pacman lalo pa nga’t alam ng lahat na personal niyang mga kaibigan ang executives ng Kapuso network.

At kahapon, may sagot naman ang ABS-CBN. Read ninyo:

Naiintindihan namin ang pagkadismaya ng GMA Network Inc. sa naging desisyon ni Manny Pacquiao na manumbalik sa ABS-CBN bilang media partner, ngunit hindi ito sapat na dahilan upang gumawa sila ng mga pahayag o pasaring laban sa amin base lamang sa haka-haka ng isang kolumnista.

Walang katotohanan ang mga paratang na gagamitin diumano ng ABS-CBN ang kanilang kapangyarihan bilang pinakamalaking media company sa bansa upang suportahan ang napapabalitang pagsabak muli sa pulitika ni Manny Pacquiao.

Naniniwala ang ABS-CBN na wala itong nilalabag na karapatan ng GMA Network Inc. Sa kontrata ng GMA kay Pacquiao, ipinagbabawal ang paglabas o paglahok ni Pacquiao sa mga programa, promotion o event ng ibang istasyon. Malinaw na hindi ABS-CBN ang tagapamahala sa produksyon ng mga laban ni Pacquiao bagkus ieere lamang ito sa pamamagitan ng live feed.

At walang nilabag na karapatan ng Solar Sports Corporation ang ABS-CBN para sila ay magsampa ng kaso laban sa amin.

Lumapit sa ABS-CBN si Manny Pacquiao para maging media partner sa kanyang mga susunod na laban. Tinanggap lamang ito ng ABS-CBN at nagpapa­salamat ito sa tiwalang ibinigay ng pambansang kamao.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES