Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, March 24, 2009

Bayani Agbayani, nagbayad na, minura pa!

MASAMANG-MASAMA ang loob ni Bayani Agbayani nang makausap namin sa telepono kahapon dahil sa lumabas na balitang lasing na lasing siyang nagmumumura at nagbantang mamamaril sa harap ng isang bar sa Quezon City.

Unang-una, gustong linawin ng komedyante na sa The Fort nangyari ang insidente, hindi sa Quezon City.

Totoo raw na nagalit at nakapagmura siya, pero ’yun ay nagawa niya dala lang ng init ng ulo dahil sa isang insidenteng nangyari bago ang kaguluhang kinunan ng kanyang mga nakaengkuwentro’t ipinost pa sa YouTube.

Ayon kay Bayani, galing siya sa isang birthday party ng isang kaibigan sa The Fort nu’ng gabing ’yon.

Papaalis na siya’t nakasakay na sa sasakyang automatic nang bigla itong umandar kahit hindi niya inaapakan ang gasolina.

In other words, may nabanggang kotse ang komedyante nang hindi sinasadya.

Nakipag-areglo raw siya sa may-ari, na nanghingi sa kanya ng P6,000.

Matapos ibigay ang datung, akala raw niya’y ayos na.

Pero, biglang lumapit ang tatlong kasamahan ng may-ari, na ang isa’y galit na galit na pinagmumumura siya.

Ang sabi raw ng lalaki, “P____ina! Ba’t ka nagpabayad? Ipa-Crame na lang natin ’yan!”

Dito nagpanting ang tenga ni Bayani, kaya gumanti siya ng mura.

Feeling niya, na-set-up siya ng grupo, dahil sa napanood daw niyang video sa YouTube, mahinahon ang pagsasalita ng mga nakabangga habang siya’y galit na galit at nagwawala.

“Ginalit talaga ako nu’ng isa. Minura ako nang sa ganu’n, magalit ako. Pero siyempre, hindi niya isinama sa YouTube ’yung pagmumura niya sa akin. Hindi naman ako magagalit ng ganu’n kung hindi niya ako minura.

“Binayaran ko na nga ’yung na-damage ko, eh, kahit minahalan na ako. Naatrasan ko kasi siya dahil naka-hang ’yung paradahan sa The Fort.

“Sinagot ko naman ’yung aksidenteng ginawa ko, kaya lang, minura pa ako!” hinaing pa ni Bayani.

Sana raw, sa paglabas ng item na ito ay malinawan ang buong insidente’t huwag siyang husgahan agad base sa “sanitized” video sa YouTube.

Watch the video: Bayani Agbayani


[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 3:42 PM, Anonymous Monch said...

don't worry Bayani.. obviously, most of those who have seen the video, or should i say "heard the audio", empathized with u.. ur uncontrollable madness (ahehe) is understandable due to the influence of liquor.. but it was also obvious that u were amenable to what happened and very much willing to "settle" the matter. That's taking responsibility well.

moral lessons: 1- Everything can be "settled" amicably if people will just keep their cool.

2- Getting drunk is not only bad for the health, it also leads to a lot of troubles.. wheter u settle it or not.

 
At 6:51 PM, Anonymous Anonymous said...

kung nakapagmura man si bayani yon ay dhil sa una syng minura at kahit pa naman artista eh tao din mga yan nasasaktan at may pride....
tpos ang kumuha pa ng video neto ay kasmhan nong nakamurahan ni bayani kaya halatang nagbabait baitan sila kunwari para ipalabas na si bayani ang nagwala...
kahit lumabas man ang gnito idol ko parin si Bayani....hehehehe!
Bayani GO!!!natural lang magalit ka dhil minura ka,ibig sbihin non normal na tao ka bayani....muahhhh!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES