Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, March 05, 2009

Boy Abunda answers all issues concerning Dr. Vicki Belo

Tinuldukan na ni Boy Abunda ang isyu sa kanila ni Dra. Vicki Belo last Sunday sa The Buzz. And for the last time ay pinagbigyan ni Boy ang ABS-CBN.com na linawin ang isyu sa pagsangkot sa pangalan ng kanyang partner at head ng kanilang talent agency, ang Backroom, Inc., na si Bong Quintana. Ipinapalabas ng ilang kampo na may sama ng loob si Boy kay Dra. Belo na siyang isa sa mga dahilan kaya nasabi ng beauty surgeon ang kanyang mga panlalait sa TV host sa isang interview. “Hindi totoo ‘yan and we were okay. Her memory is short. Dito lang talaga. We were okay, nag-usap kami. Nag-end kami ng mabuti. Nilabas ko ang sama ng loob ko at nagpaliwanag siya. And she said, ‘You know I didn’t understand how important Bong is to you.’ Sabi ko sa kanya, ‘Ano ka ba naman? Baba-blah –blah. Maliit na halaga, etc.’ Pero the point is in 2006, okay kaming nagtapos. I’ll be very honest kasi this is the last time I want to talk para lang maklaro,” pahayag ni Boy.

Ang halaga na tinutukoy ni Boy ay ang P10,000 na kabayaran sa tiket na binigay ni Bong sa dating personal secretary ni Dra. Belo na si Vangie Kua para sa show ni Frenchie Dy. Hanggang sa ‘di na naging empleyado si Vangie ni Dra. Belo kaya naman napilitan na si Bong na siya mismo ang maningil ng kabayaran ng tiket sa beauty surgeon. Nasaktan si Boy nu’ng sabihin ni Dra. Belo kay Bong ang ganito, ‘You get free services na nga from the clinic binebentahan mo pa ako ng tickets?’ Ang sinasabi na free services ni Dra. Belo ay nu’ng nagpa-lipo si Bong sa kanyang clinic. Ayon kay Boy, noon pa inaalok ni Dra. Belo si Bong na magpa-lipo sa kanyang clinic ng libre. And it was only after two years bago napagbigyan ni Bong si Dra. Belo na magpa-lipo. Na hindi akalain ni Bong na ipapamukha sa kanya ‘yun ni Dra. Belo. “Nung si Kris (Aquino), ako, pumagitna lang and I never say anything. I didn’t say anything bad anything to her publicly or privately. Why am I talking about this? 2006 ito, ha. Huwag sabihin na ito ang dahilan kung bakit nagpa-interbyu sa kabila at sinabi niya ang kanyang sinabi. Walang relasyon ‘yun. You know in 2006, iba ‘yun. At dapat hindi lumabas, amin lang ‘yung magkakaibigan. Kina-klaro ko lang ito. As a matter of fact I am doing this for Bong kasi tapos naman na ang istorya. Pero gusto ko lang i-prove na ‘yung nangyari kay Bong had nothing to do with this.”

Mahaba man ang paliwanag ni Boy ay gusto niyang ma-clear-up ang anumang chismis na sulutan sa kanila ni Dr. Belo. “Ayos kami na nagtapos. Kaming dalawa ang nagharap. Kaharap sina Kris, Hayden (Kho) at Bettina (Aspillaga, Boy’s personal assistant). Pero inamin ko, pikon ako bago nag-umpisa ang meeting. Mayroon din akong naririnig na kesyo, I don’t like the word. Na kesyo ina-underground ko siya. Na may mga common friends kami at ina-underground ko siya. 2007 of May hindi na kami nag-uusap ni Vicki. Wala na kaming contact. Hindi na kami nagkakausap. Kasi pumutok na nga ‘yung kontrobersya. Si Mariel (Rodriguez) at si Bianca (Gonzales) at si AiAi (delas Alas), kinuha ng Belo na hindi na kami nag-uusap. Anong sasabihin niya na may sama ako ng loob, na ina-underground ko siya gayong ibinigay ko ang mga talents ko sa kanya? Even if we were not talking anymore. Just to prove na there was nothing personal .professionally when somebody called the office that they want Mariel and Bianca to endorse Belo I said yes. When I was asked na for the longest time ay hindi nag-uusap ni Vicki because they had problem I said yes. Okay, fast forward natin. End of the contract May of 2008. Nagpaalam ako kay Leah Salterio, (Belo’s PR Directress). Nagpasintabi ako. Kung wala ng offer kina Bianca at Mariel pwede bang makipag-negotiate ako sa iba? Pasintabi. Ibig sabihin lamang na I have no bad blood with anyone.”

Nag-open na rin si Boy tungkol sa alaga niyang si Ai-ai Delas Alas, na dati’y sikat rin na endroser ng Belo. “Ai-ai had no offer from Belo to renew her contract. After six to eight months mga ganu’n. We started to negotiate with Calayan. So, there was no problem. Professional lang ito. You know if I hurt her that I endorse Calayan, I am sorry. But it is a job. In as much as all of our friends who endorse her, Ai-ai is just doing her job. Kasi merong lumalabas na parang lahat ng talents ko dinadala ko. Excuse me. We were not talking anymore when she got Mariel and Bianca. She didn’t renew them. Nu’ng hindi nag-renew nakausap ko si Calayan. Tumawag ako kay Leah. Nagpasintabi ako kay Leah who is also a very good friend. Nagpasintabi ako, I was not renewed. So, ‘yun. That’s the whole narrative para klaro. I understood that she’s going through na a lot. Ang ano ko lang naman nu’ng ‘if you wanna look like Boy Abunda,’ masama lang ang nangyari para sa akin noon. I came (from SNN) , galing ako dito sa, ‘How do you feel about her?’ ‘I missed her.’ Nanggaling ako sa pagsabi sa SNN na we had more good times than quiet times. Kasi nananahimik daw ang aming kaibigan. Nasindak lang ako nu’ng may ganu’n. I was already conciliatory after the interview of Kris tapos doon ako babanatan. Hindi pinanggalingan na ikinukumpara ako sa mga naggagandahang endorsers. Hindi, hindi ‘yun. Pero ‘yun lang. Na-express ko na ang galit ko. Nag-apologize na si Vicki. Kahit text message tinatanggap ko. Itinext niya. The effort was there. Pero may nagsasabi na why she didn’t have an effort to get your number. Okay na ako doon. Huwag na nating pahabain pa ang kwento. Nag-text siya sa common friend namin. Ipinoward sa akin,. Okay na ako doon. I have no problems with that. I accepted the apology, tapos.”

Para kay Boy, tapos na ang isyu ngayon. At nagpapasalamat siya dahil dito’y nadiskubre niya na marami palang nagmamalasakit sa kanya. “Ang ayoko lang ito ‘yung may mga ganyan. Wala na, Taposin na natin. Huli na lamang ito. I didn’t understand where it came from. Sasabihin ng iba, ‘Boy, baikt ka napikon doon? ‘Yun lang.’ Hahaha! ‘Di ba? May pinanggalingan. Sabi ko long before these endorsers came into her life I was there. We had more good times than quiet times. Hoping that just one day we will be bumping into each other, smile to each other na parang walang nangyari. So, yun lang. Gusto ko lang malinis ang konteksto, ‘yung narrative nito. Ngayon ‘yung sinasabi na wala siyang ibig sabihin sa sinabi niya, e, ‘di okey. Ayoko ng palaliman ‘yan. Huwag na nating pahirapan. It’s lent ‘di ba? ‘Yung na-ano lang talaga ako kay Bong. Kasi ayoko talaga siyanag kasali. At totally wala na ‘yung relasyon sa nangyari ngayon. Ang panahon talaga nakakabawas talaga ng pain. At saka isang natutunan ko, humbling. Before I didn’t know I have many friends. I didn’t know how much support and love I got because of this. ‘Yung parang, wow! Wala naman talaga akong masamang tinapay at hindi ako mapagtanim. Meron ngang staff dito, ‘Sir, pwede ba kitang makausap?’ “Bakit?” “Gusto ko lang po’ng mag-apologize?” “Bakit ano ba ang nagawa mo sa akin?” Hindi ko na maalala. Hahaha!”

Sa tingin niya mababalik pa ang dating friendship nila ni Dra. Belo? “You would never know. Sabi ko nga, sana. Who knows? Kung hindi man kahit man lang kalahati noon. Life is so short. Life is so short and sexy,” natatawang tapos ni Boy.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES