Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, March 01, 2009

Boy Abunda, ready to forgive

SA amin pa ring pag-dalaw sa SNN, nagpaunlak ng chikahan si Boy Abunda.

In fairness, hindi na sad ang aura ni Tito Boy. Muli, nagbigay ng pahayag si Tito Boy tungkol sa isyu sa pagitan nila ni Dra. Vicki Belo.

Unang itinanong kay Tito Boy kung kumusta na siya ngayon pagkatapos ng kontrobersiya. Aniya, mas okey na siya ngayon. Nag-apologize na rin naman daw si Dra. Belo (thru a mutual friend) though hindi man ito ang inaasahang paraan ng apology kay Tito Boy, okey na rin daw sa kanya.

Ibig lang sabihin ni Tito Boy, it would have been better sana kung nagkausap sila o siya mismo ang tinext.

But then, hindi naman daw yata alam ni Dra. Belo ang number niya, since they don’t communicate with each other for a quite sometime now.

Sa tanong kung maibabalik pa ba ang dati nilang pagkakaibigan ng pamosong doktora, sabi ni Tito Boy: “That’s a very hypothetical question. Mangyayari ‘yan kung bibigyan ng Diyos ng pagkakataon, at papayagan din ng panahon. Kilala n’yo naman ako, bukas akong tao, hindi ako nagsasara.”

Sa tanong kung napatawad na niya si Dra. Belo, ayon pa kay Tito Boy: “Oo naman. Sino naman ako para hindi magpatawad? It’s Ash Wednesday na and so let’s forgive each other.”

Although aminado si Tito Boy na hindi naging madali ang pagpapatawad dahil nasaktan siya nang husto ni Dra. Belo.

Malinaw din ang sinabi ni Tito Boy na:“ Hindi ko inaalis ‘yong pinagdaraanan ni Vicki ngayon. Ang alam ko lang ay nasaktan ako and I want Vicki to understand that.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES