Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, March 15, 2009

Cesar at Echo nangharana sa concert

Nagbigay ng mga gintong ngiti sina Western Union brand ambassador Cesar Montano, na bukod sa pagiging action star ay kilala na rin bilang isang musical talent at ang heartthrob na si Jericho Rosales sa mga agents at co-promoters noong launch ng Western Union Gold Card sa Teatrino sa Greenhills kamakailan.

Si Cesar ay kumanta ng acoustic version ng Till There Was You at nagtilian naman ang mga guests ng launch ng kinanta ni Jericho ang ’Di Bale Na Lang at Beautiful in My Eyes.

Si Phoemela Baranda ang nag-host ng show.

Ang Western Union, nangunguna sa money transfer services sa buong mundo ngayon, ay naglunsad ng kanilang major promo para sa taong ito, ang 2009 Western Union Gold Card Rewards Program.

Masayang ibinalita nina Cesar at Jericho ang mga activities na inihanda ng Western Union para sa mga customers nito. Isa na rito ang isang concert series kung saan makakasama ni Jericho sina Christian Bautista at Yeng Constan­tino na gaganapin sa key cities gaya ng Cebu (May 16), Davao (June 20), at Manila (July 4).

Ang mga Western Union Gold Card holders naman ay entitled sa 50 percent discount sa bawat concert ticket.

Napakadaling kumuha ng isang Western Union Gold Card at libre pa ito. Kailangan lang pumunta sa isang Western Union agent location at mag-fill up ng application form. Matapos na mag-sign up, bibigyan kayo ng isang complete list ng mga co-promoters at ang kani-kanilang mga discount offers.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES