Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, March 27, 2009

Concert ni Sarah Geronimo sa U.S., di apektado ng recession

Gusto nang tapusin ng kampo ni Sarah Geronimo ang tungkol sa talent fee issue ng Pop Princess dahil hindi naman daw ito nakatutulong at hindi rin daw magandang tingnan na pinagdedebatehan pa ang tungkol sa money matters.

Sa halip ay pag-usapan na lang daw ang mga magagandang bagay na nangyayari ngayon kay Sarah tulad ng successful U.S. tour ng The Next One na kasalukuyang pinagkakaabalahan ng Pop Princess.

Ayon sa isang malapit kay Sarah, hindi raw apektado ng recession ang mga concert ng dalaga dahil dinudumog pa rin daw ang shows at laging sold-out ang CD nito.

Sa ngayon ay may siyam na shows pang gagawin si Sarah sa iba’t-ibang cities ng U.S. Her last show would be on April 24 sa San Diego, California .

Sarah hopes na makauwi siya bago ang awarding ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation dahil gusto niyang personal na tanggapin ang Box Office Queen award na iginawad sa kanya.

Pagbalik niya ay may gagawin siyang weekly teleserye sa ABS-CBN kapareha ang isang top matinee idol ng Kapamilya.

Sa June at July naman ay nakatakda niyang libutin ang Pilipinas by having 10-city-tour-show.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES