Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, March 31, 2009

Dolphy medyo masama ang loob sa desisyon ng korte

Hindi nga maikakaila na medyo masama ang loob ni Mang Dolphy nang hingan siya ng coment tungkol doon sa sinasabing pagbawi ng korte sa annulment ng kasal ni Zsa Zsa Padilla sa kanyang dating asawang si Dr. Tatlonghari.

Actually hindi naman siguro masasabing pinag-iinitan sila pero ganoon yata talaga ang proseso.

Ang petition for annulment na ipinagkaloob ng mas mababang hukuman ay agad na iniaapela ng Solicitor General sa Court of Appeals.

Sa kaso kasi ng annulment, ang Solicitor General ang tumatayong defender of the vow.

Kung sa tingin naman ng Court of Appeals ay nagkaroon ng pagkukulang sa desisyon ng RTC, talagang binabaliktad nila ang desisyon.

Maaari pa namang iapela ng petitioner ang desisyon sa Korte Suprema.

Pero mukhang iba na nga yata ang dating nito kay Mang Dolphy.

Katwiran na nga niya ay hindi na rin naman nila inaasahan iyon at ang kanilang pagsasama ni Zsa Zsa ay hindi naman apektado kasal man sila o hindi.

Para rin naman daw tunay na mag-asawa ang pagsasama nila kahit na walang basabas ng kasal.

Mukhang napika na ang Comedy King nang idagdag nitong “gastos lang iyan.”

Oo nga naman, gumastos ka na nga, nakuha mo na ang desisyong kailangan mo, tapos babawiin para panibagong gastos na naman.

Kaya nga ikinatwiran niya pabayaan na lang ito.

Pero sayang din naman, kasi talagang desidido si Mang Dolphy na magpakasal kay Zsa Zsa, isang bagay na hindi niya ginawa noong araw sa sinuman naka-relasyon niya.

Noong gusto na niyang lumagay talaga sa ayos ay saka naman nagkaroon ng ganyang problema.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 9:51 AM, Anonymous Anonymous said...

tama si dolphy alam nya na lagay lang ang gusto ng solicitor general para ma-aproban yan.

at alam din naman ng lahat yan dba.......hehehehehe

butata.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES