Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, March 19, 2009

Fans, bayolente mag-react sa tambalang Sarah-Gerald

Ang iniregalong refrigerator ni Kim Chiu ang inurirat ng press kay Gerald Anderson sa birthday presscon ng young actor last Tuesday night.

Sobrang expensive pala ng naturang ref dahil nang may magsabi kay Gerald na nasa P35,000 ang halaga nito, say ng young actor, hindi lang ganu’n at mukhang mas mahal pa dahil sobrang laki talaga.

Nakalagay na sa bagong bahay ni Gerald ang ref. Ito pa nga lang daw ang laman ng house at kama.

Hindi pa niya naaasikaso na bumili ng furniture at gusto niya, siya mismo ang bibili’t hindi na siya kukuha ng interior designer.

Siyempre, puwede rin tumulong ang ka-loveteam na si Kim sa interior decoration at kung anuman ang suggestion nito ay susundin niya.

By the way, isa sa birthday wishes ni Gerald ay maging official girlfriend na niya si Kim. Last year pa niya ito wish, pero up to now, hindi pa natutupad.

Hindi naman daw niya minamadali ang leading lady sa Tayong Dalawa.

“I’m willing to wait,” say pa ng young actor.

Samantala, hindi pa makumpirma ni Gerald ang tungkol sa napapabalitang pagtatambal nila ni Sarah Geronimo dahil wala pa naman daw offer sa kanya.

Aware siya na this early, may violent reactions na ang fans nila ni Kim, pero say ni Gerald, tanggap nila pareho na darating din ang time na maghihiwalay sila at susubukan ang ibang kapareha.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES