Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, March 24, 2009

Gov. Vilma Santos ayaw na akting na akting si Luis

Sayang at hindi na sumali si Edu Manzano sa pelikulang gagawin ng kanyang mag-inang Gov. Vilma Santos at Luis Manzano plus John Lloyd Cruz. Baka habang sinusulat ito ay nakaalis na ang masipag na gobernadora patungong New York na kung saan iso-shoot ang ilang mahahalagang eksena ng pelikula.

Naintindihan naman ni Vi ang ginawang pagtanggi ng kanyang ex sa pelikula. Bukod sa napakaikli ng role nito sa pelikula ay marami itong maiiwang trabaho rito kung aalis siya.

Natutuwa naman ang gobernadora na makasama ang kanyang anak sa pelikula. Bukod sa napakagandang takbo ng career nito sa local showbiz ay talaga namang nahahasa na ang anumang talento meron ito na siyang nagtulak sa kanya para pasukin ang trabaho na nagbigay ng malaking pangalan sa kanyang mga magulang. Pina­yuhan lamang nito ang anak na “Huwag akting na akting” and just “To take it easy.”

Bago tumulak patungong New York ay nakapag-taping pa si Gov. Vi para sa final week ng Deal or No Deal hosted by Kris Aquino.

Nakadalo rin ang Star For All Seasons sa 25th anniversary ng kanyang movie na Sister Stella L. Hindi raw kumita ang movie nun pero happy siya sa ibinigay nitong inspirasyon sa mga tao na dahilan para alalahanin nila ito after 25 years na maipalabas ito.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES