Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, March 30, 2009

Gretchen Barretto parang nawawala sa sarili

Ang daming nainis kay Gretchen Barretto sa kanyang interview sa The Buzz kahapon. Feeling ng mga nanood, wala sa sarili si Gretchen dahil meron pa siyang mga dramang nakatingin lang sa host na si Boy Abunda sa Tough 10 Questions na hindi mo naman alam kung bakit may ganun pa.

Tinanong ni Boy si Gretchen kung tinanong na ba siya ng groom to be niya ng ‘will you marry me.’ Ang unang sagot ni Gretchen, tingin lang kay Boy tapos umiling. Tapos tumitig na naman. “Parang ewan. Ano ba ‘yun,” sabi ng isang nanood sa The Buzz.

Bago ‘yan hindi rin direktang sinagot ni Gretchen kung pinalayas siya sa bahay nila ni Tony Boy Cojuangco dahil nang malaman daw ‘yun ni Boy, tina­wagan siya at sinabing ‘you have a room in my house.’ Pero wala ring linaw kung natulog ba siya dun sa bahay ng TV host dahil sinabi niyang natutuwa siya dahil maganda ang bahay.

Anyway, bakit kasi hindi pa mabanggit ang groom to be na ‘yan. Alam naman ng lahat na si Tony Boy ang kinakasama niya bagama’t maugong ang balitang wala na sila at open na ang relasyon ni Gretchen kay Dodie Puno na ama ng anak ni Alma Concepcion.

Kasama rin sa mga tanong kung magkano ang halaga niya. “I’m priceless. Malalaman mo lang naman ang value ng tao pag wala na siya,” sagot ng kontrobersiyal na si Gretchen. Ayaw din niyang sagu­tin kung kanino puwedeng i-dedicate ang kantang Don’t Say Goodbye.

Marami pang recycled questions na ewan ko ba naman kung bakit pa-mystery pa ang sagot ni Gretchen.

Ang bottomline, nagpo-promote kasi siya ng album sa Star Records titled Complicated.

“I’m a singer,” sabi niya sa contract signing niya na naganap kamakailan para sa kanyang second album na may pamagat na Complicated.

Pagkatapos ng kanyang debut album na Unex­pected na nagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang gold-record award, isa na naman sigura­dong album na nagri-represent ng kanyang buhay ang ginawa niya.

“Because my life is complicated and my status is complicated kaya Complicated ang title. ‘Di ba, obvious naman?” pabirong sabi ni Gretchen.

Ang carrier single ng pangalawang album ni Gretchen ay Ready to Take A Chance Again.

Ayon kay Gretchen, bawat track na kasama sa Complicated ay malapit sa kanyang puso. “Ang gaganda kasi ng lyrics. Kaya everytime I sing it, palaging may puso,” kwento niya.

Nang tanungin si Gretchen kung papipiliin siya ng isang kanta sa tracklist ng kanyang current album, alin dito ang best na makaka-describe sa kanyang buhay ngayon, walang pag-aalinlangan niyang sinagot ito ng: “I think the song Complicated is the best choice.”

Pinrodyus mismo ni La Greta, Malou N. Santos and Annabelle Regalado-Borja ang kanyang latest sure-hit album.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES