Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, March 04, 2009

Jodi Santamaria natatakot para kay Jake

KAHIT kapapasok lang ni Jodi Santamaria sa Tayong Dalawa, nabalitaan niya ang nangyaring pagkakabaril sa van ng co-star niyang si Jake Cuenca at ayon sa aktres, natakot siya para sa aktor.

“Siyempre, natatakot ako for him, kasi hindi niya alam kung sino talaga ang gumawa nu’n. Puwedeng huwag naman sana, paano kung balikan or ulitin ang ginawa? Buti na lang, wala siya sa kotse ng mga panahong ’yon,” sabi ni Jodi.

Nakaka-relate ang aktres sa mga ganitong insidente since nasa pulitika ang pamilya ng kanyang asawang si Pampi Lacson. Her father in-law, as we all know, is Sen. Ping Lacson.

Pero ani Jodi, as much as possible ay hindi sila nakikisali ng asawa sa politics. Si Pampi, negosyo ang pinagkakaabalahan at siya naman, siyempre, sa showbiz.

Nang tanungin nga kung may bodyguards sila, aniya, wala, at sa tingin niya ay hindi kailangan.

Hindi ba siya natatakot for their safety dahil alam naman nating maraming kalaban sa pulitika ang kanyang biyenan?

“Hindi. Kasi, unang-una, hindi naman kami ’yung senator. Wala naman kami sa posisyon para mag-bodyguard. Basta we’re confident na hangga’t walang galit sa amin, wala kaming naaagrabyado or nasasagasaang tao, I don’t think kailangang mag-bodyguard,” say ng aktres.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES