Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, March 16, 2009

Jomari Yllana explains break-up

WINNER ang pilot episode ng Cool Center nina Anjo Yllana at Eugene Domingo nitong Sabado ng gabi dahil sila ang nakakuha ng exclusive interview kay Jomari Yllana tungkol sa hiwala-yan isyu nito with Pops Fernandez.

Walang sinabing dahilan si Jom sa hiwala-yan nila ni Pops.

Ipinahayag lang niya na nag-usap na sila ng tatlong oras ni Pops tungkol dito three Mondays ago (March 2). At nagkaroon daw ng formal closure ang relas-yon nila na tumagal ng halos apat na taon. Binanggit pa ni Jom na among his failed relationships, tanging itong kay Pops lang ang nagkaroon siya ng pormal at maayos na closure.

Ang binanatan nang husto ni Jom ay si Martin na tinawag niyang “Mr. Nievera” sa ere. Bakit daw ito nakikisawsaw sa hiwalayan isyu nila ni Pops? Wala rin daw karapatan si Martin na magsalita tungkol sa sakit na nararamdaman ni Pops sa paghihiwalay nila, dahil unang-una raw ay si-naktan nito si Pops noon. At lalong wala raw si-yang keber kung ayaw mang makipagtrabaho sa kanya ulit ni Nievera. Basta ang alam niya, he just made him and Pops the highest paid concert artists nitong nakaraang reunion concert nila sa Araneta coliseum. Magkano kaya ang TF ni-la?

Nilinaw din ni Jo-mari ang isyung ini-labas ng kabilang network (sa SNN) tungkol sa pagiging third party ni Maui Taylor sa hiwalayan nila ni Pops. Si Maui raw ay very good friend niya way back at kilala niya ang non-showbiz boyfriend nito. ‘Yong pictures na magka-sama sila ni Maui na napanood sa SNN ay kuha raw sa set ng Zorro sa Bataan.

Ang hindi lang namin talaga mawari ay kung bakit pa-rang ‘clueless’ pa rin si Pops sa dahilan ng break-up nila ni Jom (kung ibabase sa napakahabang interview kay Pops ni Boy Abunda sa SNN), samantalang ayon na rin kay Jom ay nakapag-usap na sila ng tatlong oras three weeks ako at nagkaroon sila ng formal closure.

* * *

HINDI tulad ni Martin na super-react sa nangya-ring hiwalayan nina Pops at Jom, walang comment ang mga ex-GF ni Jom na sina Aiko Melendez at Ara Mina.

Katwiran ni Aiko, hindi siya puwedeng mag-take side sa dalawa dahil ama ng anak niya si Jom at naging mabuting kaibi-gan sa kanya si Pops.

Si Ara ay ayaw nang magbigay pa ng kahit anong comment dahil labas na raw siya sa proble-ma ng dalawa.

Dahil dito, lubos ang pasasalamat ni Jom sa dalawa niyang ‘ex’ sa pagbibigay-respeto sa kanyang pananahimik.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES