Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, March 12, 2009

Jomari Yllana sinalo ng manager

Medyo nagtaka lang ako when Jomari Yllana’s manager, Douglas Quijano, came to his rescue sa isyu ng hiwalayan ng kanyang alaga at ni Pops Fernandez. Nag-isyu ito ng statement na nagkaroon na ng closure ang dalawa kaya kailangan nang mag-move on.

Nung Martes ng gabi ay itinuloy ng SNN ang interview ni Boy Abunda kay Pops na kung saan ay sinabi nitong na-pressure lamang daw siguro sila na humantong sa kanilang paghihiwalay pero, itinanggi nito na pera ang naging ugat ng kanilang paghihiwalay. Co-producers silang mag-ex ng katatapos lamang ng Pops/Martin reunion concert at bagaman at si Pops ang humawak ng ilang mga bayarin, wala silang naging problema sa pera. Nabayaran naman daw lahat ng dapat bayaran.

Ang hindi ko lang alam ay bakit kinailangang saluhin si Jom ng kanyang manager? Ito ang nagbigay ng statement tungkol sa isyu gayung kayang-kaya naman sanang sagutin ito ni Jomari since ang problema ay may kinalaman sa kanilang separation at kung nagsalita na si Pops bakit naman hindi si Jom?

May kasunod pang rebelasyon si Pops pero hanggang sa matapos ito, paniniwalaan ko na nagkaroon ng selos si Jomari sa reaksyon ng dating mag-asawa nang magkasama ang dalawa sa concert.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 3:36 PM, Anonymous Anonymous said...

Sometimes feelings wane...not because of anything. It just happens.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES