Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, March 08, 2009

Judy Ann Santos nanghihinayang kay Francis M

Moveable ang deskripsyon ni Judy Ann Santos sa date ng wedding nila ni Ryan Agoncillo. Up to now kasi ay hindi pa rin talaga niya masabi kung ano ba talagang petsa sila magpapakasal at aniya, hindi na nga raw niya alam kung paano sasagutin ang question na ito.

“Kasi, malamang iniisip ng mga tao, alam mo ‘yun, yung gumagawa na lang ako ng kuwento,” natatawang sabi ni Juday nang makausap namin kahapon sa story conference ng Oh My Girl, ang pelikulang pagsasamahan nila ni Ogie Alcasid under Regal Films.

Matutuloy naman daw kung sa matutuloy but it’s just that hindi pa nila masabi kung ano talaga ang date.

“Of course, moveable ang date kasi wala pa namang exact date as of now kasi nga, wala naman kasing masama kung maniwala sa feng shui at astrology, di ba? Hindi naman kabawasan ng ganda siguro ‘yun.

“Nagsisiguro lang. Siyempre, nagtanung-tanong din kami ng advice sa ibang couples, kung paano sila nag-prepare ng wedding. Para sa amin, we’re taking our time, hindi kami nagpapa-stress.

“Kasi, karamihan sa couples na nagpe-prepare ng para sa wedding nila, nag-aaway kasi sobrang naiis-stress sila. Hindi naman iniiwasan, sinusubukan lang naming tingnan kung baka puwede naman nating idaan sa ibang paraan. ’Yung hindi tayo mag-aaway, yung masaya lang ang pagpe-prepare and that’s what we’re trying to do right now.

“May mga iniisip kaming dates, kaya lang ang dami palang bawal sa feng shui. Hindi ko alam na marami palang ganu’n,” sabi ni Juday.

Pero nilinaw ng aktres na hindi naman sila nagre-rely nang bonggang bongga sa feng shui pero wala rin naman daw masama kung maniniwala.

Anyway, kahit hindi masabi ni Juday ang date ay natutuwa si Juday na ang daming friends na gustong tumulong sa wedding. Tulad ni Martin Nievera na nagsabi raw na gustong gumawa ng kanta para sa kanila ni Ryan.

“Na-touch naman ako sa kanya, siyempre, Concert King ‘yan, ano! So, nakakatuwa.”

Si Ogie and Reginne Velasquez ay may surprise gift din daw pero ayaw pang sabihin kung ano ‘yun.

Inamin na rin niyang ginagawa na ni Paul Cabral ang wedding gown niya at simple lang naman daw ang gusto niya.

“Ayoko ng mabigat at mainit na gown.”

Napag-usapan din ang tungkol sa budget ng wedding at aniya, hindi raw kalakihan.

“Hindi siya ‘yung wedding na panghihinayangan mo kasi masyadong malaki ang ginastos. We’re really doing our best para mapaayos ang bahay. So, basically kaya hindi rin masyadong makaabante ang preparations is because we’re still building the house.

“Palagi naman naming sinasabi na ang wedding, isang araw lang ‘yan. Hindi ka puwedeng umuwi sa bahay mo na walang laman at walang kamang hihigaan kasi ubos ang pera mo sa pagbibigay sa wedding, Nagpa-pakapraktikal lang. Hindi naman kami Hollywood stars na umaapaw ang pera.”

Aabot ba sa 5M?

“Ay hindi,” mabilis na sagot ni Juday. “Nakakaloka ‘yan. Basta hindi pa namin napag-uusapan ang presyo kasi iniisip pa namin kung ano pa ang gusto naming mangyari sa wedding.”

Basta ang masasabi lang daw niya tungkol sa kasal ay hindi ito tradional wedding.

“It’s a simple, class and elegant wedding,” she said.

Samantala, tungkol naman sa Oh My Girl, first big screen team-up ito nina Ogie and Juday kaya excited sila pareho. Storycon pa lang kahapon pero may teaser na agad silang nagawa, ganyan sila ka-excited.

Magsisimula sa March 25 ang shooting under the helm of Dante Nico Garcia at bandang June naman ang playdate nito.

* * *

Samantala, naitanong kay Juday ang tungkol sa nakakabiglang pagpanaw ni Francis Magalona at say niya, maging sila ni Ryan ay natulala nang marinig nila ito.

Kuwento nga ni Noel Ferrer, nagmi-meeting daw sila nang mga sandaling iyon at natigil ang meeting when they learned about it.

“Malungkot na malungkot kasi nakilala ko rin naman si Francis nang nagdadala ako ng (pagkain) sa Philippine Idol,” sabi ni Juday.

Matatandaang nagkasama sina Ryan at Kiko sa Philippine Idol nang mag-host ang una ng show at judge naman ang huli.

Inamin ni Juday na crush niya dati si Kiko.

“Hanggang ngayon naman. Baby face, parang hindi tumatanda, alam mo ‘yun? At nanghihina ako kapag nakikita ko siya, alam niya ‘yun, sinabi ko sa kanya ‘yun.

“Nakakasama ko siya sa Eat Bulaga at napakasarap na kakuwentuhan. More than anything else, mabuting tao at mabuting puso siya. Masuwerte kami ni Ryan because we were able to be friends with him and to meet him ang nakita namin ang pagiging totoong tao niya.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES