Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, March 26, 2009

Kapamilya stars dinumog sa Davao

Maagang dumating ang mga Kapamilya fans sa Gaisano Mall noong nakaraang linggo para star studded na Kapamilya Karavan hatid ng Regional Network Group (RNG) bilang pakikisaya sa Araw ng Dabaw.

Nagsimula ang araw sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga numero sa mga ‘early birds.’ Dahil dito magkakaroon sila ng pagkakataong manalo ng 5 libong piso mula sa Kapamilya network. Umabot sa 20 ang nanalo ng limang libo.

Ang special mall show na punung-puno ay pinangunahan ng mga sikat na local talents ng ABS-CBN Davao na sina Claudette Centeno, Redge at Rovic Cuasito ng Mag-TV Na na napapanood tuwing 10:45-11:45 a.m. sa ABS-CBN Davao.

Paglabas ni Melissa Ricks na naghatid ng ilang song and dance numbers, napatulala ang lahat. Nakangiting kumakaway-kaway ang lead ng star ng Underage na halatang komportable sa entablado.

Walang tigil na tilian naman ng mga dalaga ang sumalubong kay Enchong Dee. Lumabas itong abot hanggang tenga ang ngiti habang kumakanta dahil nagulat ang binata sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Davaoeño.

Naging wild ang audience nang ma-introduce na ang all time heartthrob na si Gabby Concepcion. Mamula-mula ang pisngi ng guwapong aktor, lumabas ito ng entrablado na bigay na bigay sa pagkanta. “Last week lang nandito ako. Bumabalik-balik ako dito sa Davao.” Madalas nga raw pumunta ang aktor dito para magbakasyon.

Isang Davaoeñong Kapamilya viewer na nanalo ng 5 libong piso ay si Gloria Buscano, 45. Lundag siya nang lundag sa tuwa nang mabunot ang numero niya.

Patuloy na nangunguna sa pagbibigay ng balita at pinagkakatiwalaan, nagkaroon din ang ABS-CBN ng special coverage ng Araw ng Dabaw sa pamamagitan ng ABS-CBN Davao DXAS-TV, Channel 4 at sa My Only Radio 101.1 For Life, DXRR 101.1MHz Davao City. Patuloy ang ABS-CBN Davao sa pagiging numero uno sa puso ng mga Davaoeños kaya naman layon ng network na mas pagandahin at patuloy na magbigay ng mga programang mapagkakatiwalaan ng sambayanan.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES